DWET-FM
Ang DWET (106.7 FM), sumasahimpapawid bilang 106.7 Energy FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Ultrasonic Broadcasting System.[1][2] Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Unit A, 3rd Floor, E-Square Bldg., 416 Ortigas Ave., Brgy. Greenhills, San Juan, Kalakhang Maynila, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Unit D-1, 15th Floor, Strata 2000 Bldg., F. Ortigas Jr. Ave., Ortigas Center, Pasig.
Talaksan:Energy FM logo.png | |
Pamayanan ng lisensya | San Juan |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Manila at mga karatig na lugar |
Frequency | 106.7 MHz |
Tatak | 106.7 Energy FM |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino |
Format | Contemporary MOR, OPM |
Network | Energy FM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Ultrasonic Broadcasting System |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 21 Pebrero 1992 |
Dating pangalan |
|
Kahulagan ng call sign | Edward Tan |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Class | C, D, E |
Power | 25,000 watts |
ERP | 60,000 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live via eRadioPortal |
Kasaysayan
baguhin1992–1999: Kool 106
baguhinItinatag ang himpilang ito noong Pebrero 21, 1992 bilang Kool 106. Sa pamumuno ni George Mercado (George Boone), meron itong Hot adult contemporary na format, na nagpatugtog ng halong kasalukuyang musika at musika mula sa dekadang 70 at 80. Noong 1995, noong nasa pamumuno ito ni Marc Gorospe, nagpalit ang format nito sa Top 40.
1999–2001: 106.7 Kool
baguhinNoong Marso 1999, naging 106.7 Kool ito na may urban contemporary na format. Nawala ito sa ere noong Agosto 2001.
2001-2002: Rio 106.7
baguhinNoong Setyembre 2001, bumalik ito sa ere bilang Ritmo Latino Rio 106.7, ang kauna-unahang himpilan sa bansang ito na umere ng Latin music.
2002–2004: Ang pagbabalik ng Kool 106
baguhinNoong Abril 2002, bumalik ang Kool 106 na may pang-masa na format. May sarili din itong programa sa TV bilang "Kool on Kam", kung saan parehas ito sa format ng MTV. Noong Hulyo 31, 2004, namaalam ito sa ere.
Noong Agosto 1, 2004, bilang bahagi ng pagbabagong-kalagayan, naging ABC Radio ito na nagpatugtog ng halong classic hits at smooth jazz.
2004–2011: 106.7 Dream FM
baguhinNoong Setyembre 27, 2004, muling inilunsad ang himpilang ito bilang 106.7 Dream FM. Smooth AC ang format ng himpilang ito na nagpapatugtog ng halong Smooth jazz, R&B, Bossa Nova at House music at binansagan itong Your Comfortable Choice. Tahanan din ito ng Smooth Jazz Top 20 ni Allen Kepler at Turbo Time ni Anthony Suntay.[3][4]
Nung Marso 2010, pagkatapos nung bilhin ng MediaQuest Holdings ang TV5 mula sa grupong pinamumuno nina Cojuangco at Media Prima Berhad na nakabase sa Malaysia, inilipat ang pagmamay-ari mga himpilan ng Dream FM sa buong bansa sa Interactive Broadcast Media, pagkatapos nung binili ni Cojuangco ang kalahating istaka niyan. Sa pamumuno ni Anton Lagdameo, nananatili sa Novaliches ang tahanan ng Dream FM.[5]
Noong Hunyo 30, 2011, namaalam ang Dream FM sa ere.
2011–present: 106.7 Energy FM
baguhinSa huling linggo ng Hunyo 2011, inanunsyo ang paglipat ng Energy FM sa talapihitang ito pagkatapos ng isang buwan online sa pamamagitan ng anunsyo na nakabanggit na "Si Pangga, Dreaming!". Dito nagkaroon ng kasunduan ng Interactive Broadcast Media at Ultrasonic Broadcasting System, kung saan kukunin ng UBSI ang operasyon ng himpilang ito. Sumahimpapawid dati ang Energy FM sa DWKY 91.5 FM na pinagmamay-ari ng Mabuhay Broadcasting System hanggang Mayo 31.
Noong Hulyo 1, opisyal nang lumipat ang Energy FM sa talapihitang ito bilang Energy FM on Dream 106.7. Sumahimpapawid pa rin ito mula sa TV5 complex sa Novaliches.[5][6]
Noong 2012, binili ng UBSI ang talapihitang ito mula sa IBMI. Noong Agosto, lumipat ang tahanan at transmiter nito sa Stata 2000 building sa Ortigas. Mula noon, pormal nang naging 106.7 Energy FM it.
Kilala ang Energy FM bilang kauna-unahang himpilan sa bansang ito para paunlarin ang K-Pop sa pamamagitan ng KPOP Sarap. Inilunsad ito noong 2013 bilang bahagi ng Radioactive Countdown. Pagkatapos ng isang taon, naging sariling programa na ito. Tumagal ito hanggang 2017.
Noong Marso 17, 2014, inilunsad ng Energy FM ang bansag Ang Sarap! Ang Sharap!, na nagsilbing inspirasyon ng Instagram. Bilang resulta nito, inilunsad din ito ng mga panibagong personalidad na galing sa iba't ibang himpilan maliban kay Mr. FU. Ayon kay Joee "Brother Joe" Guilas, ang pakay ng Energy FM ay "to serve its listeners with a new menu of fun and entertainment, which was never heard on radio before".[7] Ngungit hindi ito naging matagumpay. Makalipas ng ilang taon, ibinalik nito ang pamilyar na bansag Huwag mong Sabihin Radyo!.
Noong Marso 20, 2017, naging bahagi ng Energy FM ang dating personalidad ng 90.7 Love Radio na si Papa Jack bilang Papa J (na naging Papa Jackson makalipas ng isang buwan). Kasunod ng pagtatak ng kanyang programa sa gabi, nung Oktubre 29, 2018, naging katiwala ng Energy FM si Papa Jackson.[8]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "2011 Philippine Yearbook (Page 18)" (PDF).
- ↑ "NTC FM Stations via FOI website" (PDF). foi.gov.ph. Agosto 17, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Turbo Time now on 106.7 Dream FM
- ↑ "Sunset Dreamscape: An Evening of Art and Music". Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 11, 2020. Nakuha noong Hulyo 31, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Former TV5 owner expands footprint in FM radio business
- ↑ "Cojuangco's Dream FM rebranding". Philippine Daily Inquirer. Hulyo 1, 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mr. FU: Food For Thought
- ↑ Papa Jack aka John Gemperle is Back: Joins ENERGY FM!