Ultrasonic Broadcasting System
Ang Ultrasonic Broadcasting System, Inc. (UBSI) ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid na pag-aari ng SYSU Group of Companies ng pamilya Sy. Nagpapatakbo ang kumpanyang ito ng mga himpilan sa buong bansa bilang Energy FM.
Uri | Pribado |
---|---|
Industriya | Pagsasahimpapawid |
Itinatag | 1988 |
Punong-tanggapan | Pasig |
Pangunahing tauhan | Rebecca Sy, (Chairwoman) Grace Olores, (Presidente) |
May-ari | SYSU Group of Companies |
Kasaysayan
baguhinItinatag ng pamilya Sy ang Ultrasonic Broadcasting System noong 1988 sa pagbili ng DWCJ mula sa Radio Inc.[1]
Noong 1996, kinuha ng UBSI ang konsultor sa radyo Manuelito "Manny" F. Luzon bilang pangkalahatang tagapamahala. Sa ilalim ng pamamahala ng Luzon, itinatag niya ang isang FM network na Energy FM. Una itong inilunsad sa Davao (88.3 FM), na sinundan ng isa pang istasyon sa Cebu (90.7 FM) at sa Naga (106.3 FM).
Noong 2003, inupa ng UBSI ang DWKY (91.5 FM) na nakabase sa Maynila at pagmamay-ari ng Mabuhay Broadcasting System, kung saan konsultor si Luzon ng nasabing kumpanya, at naging bahagi ito ng Energy FM.[2] Makalipas ang isang taon, noong 2004, ibinenta ng UBSI ang DWSS sa FBS Radio Network, kapalit ng mga himpilan nito sa Dagupan (90.3 FM) at Cebu (94.7 FM). [3]
Noong 2009, nanalo ang mga himpilan ng Energy FM sa 18th KBP Golden Dove Awards bilang Best FM Station of the year.
Noong 2011, isang taon pagkatapos noong umalis si Luzon sa kumpanya para maging bahagi ng PBC, lumipat ang Energy FM Manila sa 106.7 FM na dating bahagi ng Dream FM Network ni Tonyboy Cojuangco. Makalipas ng ilang buwan, binili ng UBSI ang himpilan.[4]
Mga Himpilan
baguhinPangalan | Callsign | Talapihitan | Lakas | Lokasyon |
---|---|---|---|---|
Energy FM Manila | DWET | 106.7 MHz | 25 kW | Metro Manila |
Energy FM Dagupan | DWKT | 90.3 MHz | 10 kW | Dagupan |
Energy FM Naga | DWBQ | 106.3 MHz | 10 kW | Naga |
Energy FM Kalibo | DYUB | 107.7 MHz | 5 kW | Kalibo |
Energy FM Cebu | DYLL | 94.7 MHz | 20 kW | Lungsod ng Cebu |
Energy FM Toledo | DYTD | 92.7 MHz | 5 kW | Toledo |
Energy FM Dumaguete | DYMD | 93.7 MHz | 10 kW | Dumaguete |
Energy FM Dipolog | DXLJ | 103.7 MHz | 10 kW | Dipolog |
Energy FM Pagadian | DXUA | 98.3 MHz | 5 kW | Pagadian |
Energy FM Valencia | DXJX | 96.1 MHz | 5 kW | Valencia |
Energy FM Davao | DXDR | 88.3 MHz | 10 kW | Lungsod ng Davao |
Energy FM Tagum | DXKS | 95.1 MHz | 2.5 kW | Tagum |
Energy FM Digos | DXNW | 91.1 MHz | 5 kW | Digos |
Energy FM Kidapawan | DXUB | 99.1 MHz | 5 kW | Kidapawan |
Energy FM Sindangan | — | 90.7 MHz | 5 kW | Sindangan |
Energy FM Koronadal | 96.9 MHz | 5 kW | Koronadal | |
Energy FM Gingoog | 90.5 MHz | 5 kW | Gingoog |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Mass Media Infrastructure in the Philippines (August 1988)
- ↑ "Manny Luzon returns to 91.5 FM with the launch of BIG Radio". Adobo Magazine. Hunyo 7, 2011. Nakuha noong Agosto 11, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OneRadioManila.com". Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 23, 2010. Nakuha noong Setyembre 7, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cojuangco's Dream FM rebranding". Philippine Daily Inquirer. Hulyo 1, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)