DWKT
Ang DWKT (90.3 FM), sumasahimpapawid bilang 90.3 Energy FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Ultrasonic Broadcasting System . Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa ika-4 na palapag, Duque Tiongson Bldg., AB Fernandez Ave., Dagupan.[1][2]
Pamayanan ng lisensya | Dagupan |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Pangasinan at mga karatig na lugar |
Frequency | 90.3 MHz |
Tatak | 90.3 Energy FM |
Palatuntunan | |
Wika | Pangasinense, Filipino |
Format | Contemporary MOR, OPM |
Network | Energy FM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Ultrasonic Broadcasting System |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1980s |
Dating pangalan |
|
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
ERP | 30,000 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Kasaysayan
baguhinItinatag ang himpilang ito noong dekada 80 bilang KT 90.3. Noong panahong yan, meron itong Top 40 na format na binansagang Rhythm of Dagupan. Noong 1992, naging Mellow Touch 90.3 ito na may soft adult contemporary na format. Noong Oktubre 20, 2003, binili ng UBSI ang himpilang ito, kasama ang himpilang nakabase sa Cebu, mula sa FBS Radio Network bilang bahagi ng ownership swapping. Naging 90.3 Energy FM ito na may pang-masa na format.