Kalibo
Ang Kalibo ay isang unang klase ng munisipalidad na nasa lalawigan ng Aklan sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa hilaga-kanlurang bahagi ng Panay. Ito ang nagsisilbing kabisera ng Aklan. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 89,127 sa may 20,993 na kabahayan. Ang Lungsod ng Roxas sa Capiz at ang Lungsod ng Iloilo sa Lalawigan ng Iloilo ang dalawang pinakamalapit na lungsod dito. Nararating ang mga ito sa pamamagitan ng bus o dyip.
Kalibo Bayan ng Kalibo | |
---|---|
Mapa ng Aklan na nagpapakita sa lokasyon ng Kalibo. | |
Mga koordinado: 11°42′26″N 122°22′12″E / 11.7072°N 122.37°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Kanlurang Kabisayaan (Rehiyong VI) |
Lalawigan | Aklan |
Distrito | Mag-isang Distrito ng Aklan |
Mga barangay | 16 (alamin) |
Pagkatatag | 3 Nobyembre 1571 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Juris B. Sucro |
• Manghalalal | 54,660 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 50.75 km2 (19.59 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 89,127 |
• Kapal | 1,800/km2 (4,500/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 20,993 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 9.79% (2021)[2] |
• Kita | (2020) |
• Aset | (2020) |
• Pananagutan | (2020) |
• Paggasta | (2020) |
Kodigong Pangsulat | 5600 |
PSGC | 060407000 |
Kodigong pantawag | 36 |
Uri ng klima | klimang tropiko |
Mga wika | Wikang Aklanon Wikang Hiligaynon Wikang Capisnon wikang Tagalog |
Websayt | kaliboaklan.gov.ph |
Kilala ang Kalibo dahil sa pista ng Ati-atihan. Daanan din ito patungo sa Boracay, na 45 minuto lang ang layo galing sa daungan sa Caticlan. Nagsisilbi rin itong sentro ng edukasyon, kalusugan at komersyo ng lalawigan..
Nagmula ang "Kalibo" sa salitang "sangka libo" na ibig sabihin ay "isang libo" sa wikang Aklanon. Ayon sa alamat, ito ang bilang ng mga katutubong Ati (o Aeta) na sumama sa kauna-unahang misa sa lalawigan, kung saan nagmula rin ang pista ng Ati-atihan.
Maaaring mapuntahan ang Kalibo gamit ang mga eroplanong mula sa Maynila. Mapupuntahan din ito mula sa mga daungan ng Dumagit o New Washington. Traysikel ang karaniwang sasakyan sa bayan.
Mga barangay
baguhinNahahati ang Kalibo sa 16 na barangay.
- Andagao
- Bachao Norte
- Bachao Sur
- Briones
- Buswang New
- Buswang Old
- Caano
- Estancia
- Linabuan Norte
- Mabilo
- Mobo
- Nalook
- Poblacion
- Pook
- Tigayon
- Tinigao
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 14,574 | — |
1918 | 13,926 | −0.30% |
1939 | 16,095 | +0.69% |
1948 | 17,842 | +1.15% |
1960 | 21,303 | +1.49% |
1970 | 30,247 | +3.56% |
1975 | 31,947 | +1.10% |
1980 | 39,894 | +4.54% |
1990 | 51,387 | +2.56% |
1995 | 58,065 | +2.32% |
2000 | 62,438 | +1.57% |
2007 | 69,700 | +1.53% |
2010 | 74,619 | +2.51% |
2015 | 80,605 | +1.48% |
2020 | 89,127 | +2.00% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Media
baguhinTV
baguhin- ABS CBN: TV 9
- GMA Kalibo: TV 2
- S+A: TV 23
- ACQ-Kingdom Broadcasting Network: Channel 37
- IBC DYRG TeleRadyo: Channel 4
- DYIN TeleRadyo 5
- RMN DYKR TeleRadyo 7
Radyo
baguhinAM
baguhin- DZRH 693
- DYIN Bombo Radyo 1107
- RMN DYKR 1161
- IBC DYRG Radyo Budyong 1251
FM
baguhin- 89.3 Brigada News FM
- Barangay RU 92.9 Super Radyo
- 98.5 Radyo Natin
- 100.1 Love Radio
- 107.1 Energy FM
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province: Aklan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region VI (Western Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Aklan". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)