1181 Lilith

asteroyd

Ang 1181 Lilith ay isang metalikong asteroyd na matatagpuan sa gitnang rehiyon ng sinturon ng asteroyd, tinatayang nasa 23 kilometro (14 milya) sa diametro. Natuklasan ito ng astronomong Ruso-Pranses na si Benjamin Jekhowsky noong Pebrero 11, 1927[1][2] sa Obserbatoryong Alger sa Algeria, Hilagang Aprika, at ipinangalan sa kompositor na Pranses na si Lili Boulanger.[3] [4]

Pag-uuri at orbita

baguhin

Ang Lilith ay isang di-pamilyang asteroyd sa likurang populasyon ng pangunahing sinturon kapag nilalapat ang kaparaanan ng pagkalipumpunan ng herarkiya sa mga wastong elementong orbital.[5][6] [7] Umoorbita ito sa Araw sa gitnang sinturon ng asteroyd sa isang layo na 2.1–3.2 AU isang beses kada 4 na taon at 4 na buwan (1,587 araw). Mayroon ang orbita nito ng isang eksentrisidad na 0.20 at isang inklinasyon na 6° na may reperensya sa ekliptika.[8] Unang naobserba bilang A914 BA{{{2}}} sa Obserbatoryo ng Simeiz noong 1914, nagsimula ang arko ng obserbasyon ng Lilith sa 7 taon pagkatapos ang opisyal na obserbasyong pagtuklas nito, na ang unang nagamit na obserbasyon nito ay nagawa sa Obserbatoryo ng Konkoly noong 1934.[4]

Pagpapangalan

baguhin

Ipinangalan ang planetang menor na ito ng nakatuklas sa kompositor na Pranses na si Marie-Juliette Olga Lili Boulanger (1893–1918), nakakabatang kapatid ng kilalang konduktor at kompositor na si Nadia Boulanger. Nagmula ang palayaw na "Lili" sa Lilith, ang unang asawa ni Adan sa mitolohiyang Hudyo (H 110).[3]

Katangiang pisikal

baguhin

Isang asteroyd na X-type ang Lilith sa Bus–Binzel na taksonomiyang SMASS. Naiuri din ito bilang isang asteroyd na P-type ng nakabase sa kalawakan na Wide-field Infrared Survey Explorer (WISE) ng NASA.[9]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Discovery Circumstances: Numbered Minor Planets (1)-(5000) (sa Ingles)
  2. *JPL Small-Body Database Browser (sa Ingles)
  3. 3.0 3.1 Schmadel, Lutz D. (2007). "(1181) Lilith". Dictionary of Minor Planet Names (sa wikang Ingles). Springer Berlin Heidelberg. p. 99. doi:10.1007/978-3-540-29925-7_1182. ISBN 978-3-540-00238-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "1181 Lilith (1927 CQ)". Minor Planet Center (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Asteroid 1181 Lilith – Proper Elements" (sa wikang Ingles). AstDyS-2, Asteroids – Dynamic Site. Nakuha noong 21 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Asteroid 1181 Lilith – Nesvorny HCM Asteroid Families V3.0". Small Bodies Data Ferret (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hulyo 2020. Nakuha noong 21 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Zappalà, V.; Bendjoya, Ph.; Cellino, A.; Farinella, P.; Froeschle, C. (1997). "Asteroid Dynamical Families". NASA Planetary Data System (sa wikang Ingles): EAR-A-5-DDR-FAMILY-V4.1. Nakuha noong 21 Hulyo 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (PDS pangunahing pahina)
  8. "JPL Small-Body Database Browser: 1181 Lilith (1927 CQ)" (2020-06-17 last obs.) (sa wikang Ingles). Jet Propulsion Laboratory. Nakuha noong 21 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "LCDB Data for (1181) Lilith" (sa wikang Ingles). Asteroid Lightcurve Database (LCDB). Nakuha noong 25 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin