Ang 13 Going on 30 (na kilala rin sa Australia na Suddenly 30 [2]) ay isang romantikong komedyang pelikula na pinangungunahan ni Jennifer Garner at Mark Ruffalo na inilabas noong 2004. Ito ay ipinamahagi ng Revolution Studios para sa Columbia Pictures.

13 Going on 30
DirektorGary Winick
PrinodyusGina Matthews
SumulatJosh Goldsmith
Cathy Yuspa
Itinatampok sinaJennifer Garner
Judy Greer
Mark Ruffalo
Andy Serkis
Kathy Baker
TagapamahagiRevolution Studios/Columbia Pictures for Sony Pictures Releasing
Inilabas noong
23 Abril 2004
Haba
97 min.
BansaUnited States
WikaEnglish
Badyet$37 million[1]
Kita$96,455,697[1]


Istorya

baguhin

Si Jenna Rink (Christa B. Allen) ay isang estudyante sa kanilang paaralan na magdiriwang ng kanyang ika-13th na kaarawan noong 26 Mayo 1987. Ang kanyang hiling ay maging isa sa mga sikat na estudyante sa kanilang paaralan at gustong maging isa sa mga "Six Chicks" na ang lider ay si Lucy "Tom-Tom" Wyman (Alexandra Kyle). Silang dalawa ay gumawa at nagtulungan ng kanilang takdang aralin. Bago ang birthday party ni Jenna ay dumating ang kaibigan niyang si Matt Flamhaff (Sean Marquette) at ibinigay ang isang doll house na ginawa niya para kay Jenna, ibinigay niya rin ang "magic wishing dust" na inilagay niya sa doll house.

Si Tom-Tom at ang kanyang mga kaibigan ay nagpunta upang magdiwang kasama si Jenna kung saan niloko siya at pinaglaro ng "Seven Minutes in Heaven". Habang paalis na sina Tom-Tom ay papaalis, si Matt ay dumating at pinuntahan si Jenna at napagkamalan niya na si Matt ang dahilan kung bakit sila umalis. Siya ay nagkulong sa closet habang umiiyak at nagdadabog. Sinabi niya na gusto niyang maging 30 habang aksidenteng napunta sa kanya ang wishing dust at siya ay nakatulog. Paggising ay nakita ni Jenna (Jennifer Garner) na 30 anyos na siya at 2004 na ang taon. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang ika-13th na kaarawan.

Ang kanyang kaibigan na si Lucy (Judy Greer) ang kasama niya papunta sa opisina. Nalaman ni Jenna na nagtatrabaho na siya sa Poise, ang kanyang paboritong babasahin noong siya ay dalaga pa lamang. Naalala niya ang kanyang kaibigan na si Matt at ipinautos na hanapin siya. Nalaman rin niya na naging magkaibigan na sila ni Tom-Tom na ngayon ay kilala na bilang Lucy, ang kanyang totoong pangalan. Ngayon, si Matt (Mark Ruffalo) ay isa nang photographer at ngayon ay engaged na.

Narinig ni Jenna si Lucy at ang katrabaho na pinag-uusapan siya at nalaman na hindi siya isang mabuting tao at marami siyang ginawang mali sa mga kasama. Ang kanyang mga ginawa bilang isang 30 anyos na babae ay nasayang lamang.

Muli siyang pumunta sa New Jersey at natulog sa bahay ng kanyang mga magulang. Tinignan niya ang mga yearbook photos niya at ng mga kaibigan niya upang maalala niya ang mga nangyari sa nakalipas na mga taon. Ang mga ito ang nagawa niyang ideya para sa proyekto ng kanilang kompanya. Si Matt ang nagtrabaho bilang photographer at sila ay naging magkaibigan muli.

Pagkatapos ng photo shoot ay inayos na niya ang proyekto. Nagtagumpay ang kanilang presentasyon upang i-redesign ang Poise. Nabalitaan ni Jenna na isasara na ang kompanya dahil ang kanyang proyekto ay naagw ng babasahing Sparkle. Nalaman niya rin na siya ang responsable sa pagbagsak ng kompanya dahil ilang buwan na rin niyang ipinapasa sa Sparkle ang mga ideya nila. Kinumbinsi naman ni Lucy na pirmahan ni Matt ang photo rights para sa kanya. Siya rin ang naging editor-in-chief ng Sparkle.

Pumunta si Jenna sa kasal ni Matt at pinilit na hindi ituloy ang okasyon. Nalaman ni Jenna na mahal siya ni Matt ngunit hindi na mabago ang nangyari. Ibinigay niya ang doll house kay Jenna. Hiniling niyang maging 13 muli nang biglang nahangin sa kanya ang wishing dust.

Paggising niya ay muli na siyang naging 13 anyos. Binuksan niya ang closet at hinalikan si Matt at pinunit ang takdang aralin na ginawa niya at ni Lucy. Pagkatapos ay kinasal sila at ang bahay nila ay ang itsura rin ng doll house.

Mga Tauhan

baguhin
Kabilang Sa Six Chicks
baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "13 Going on 30 (2004) - Box Office Mojo". Box Office Mojo. Nakuha noong 23 Enero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.imdb.com/title/tt0337563/releaseinfo#akas

Mga kawing panlabas

baguhin
 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.