Ang A (malaking anyo) o a (maliit na anyo) (kasulukuyang bigkas: /ey/; dating bigkas: /a/) ay ang unang titik sa alpabetong Romano. Ito rin ang unang titik sa lumang abakadang Tagalog[1] at sa makabagong alpabetong Tagalog.

Alpabetong Tagalog/Filipino
Aa Bb Cc Dd
Ee Ff Gg Hh Ii Jj
Kk Ll Mm Nn Ngng Oo
Pp Qq Rr Ss Tt Uu
Vv Ww Xx Yy Zz
A
A
Alpabetong Latino
Aa Bb Cc Dd
Ee Ff Gg Hh Ii Jj
Kk Ll Mm Nn Oo Pp
Qq Rr Ss Tt Uu Vv
Ww Xx Yy Zz

Kasaysayan

baguhin

Marahil na nagsimula ang titik A bilang piktogramo ng ulo ng toro sa mga hiroglipo ng mga Ehipto o sa alpabetong Proto-semetiko.

Noong mga 1600 BK, mayroong linyang anyo ang alpabetong Penisyo na nagsilbing basehan ng sumunod na mga anyo. Malapit na tumutugma ang pangalan nito sa aleph ng Hebreo.

 
Ang sumasagisag sa tunog ng titik na A (bigkas: /a/) sa sinaunang baybayin o alibata ng Pilipinas.

 

Sa Wikang Ingles, bilang salita, ito ay isang hindi tiyak na pantukoy (kasama ng an) na ang katumbas sa Tagalog ay 'ang'.

Sa pagmamarka, ito ay ang pinakamataas na marka na mataas pa sa B. (naka-istilo bilang A)

Sa heometriya, ito ay ang letrang sumisimbolo sa lawak o area ng isang hugis. (naka-istilo bilang  )

Sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "A, a". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.