B
Ang B [malaking anyo] o b [maliit na anyo] (kasalukuyang bigkas: /bi/, dating bigkas: /ba/) ay ang ikalawang titik sa alpabetong Romano o Latino. Ito rin ang pangalawang titik sa lumang abakadang Tagalog[1] at sa makabagong alpabetong Tagalog.
|
|
Kasaysayan
baguhinMarahil na nagsimula ang titik B bilang isang piktogramo ng palapag ng isang bahay sa mga hiroglipo ng mga Ehipsiyo o alpabetong Proto-semetiko. Ang sinauna o orihinal na pagbigkas dito sa alpabeto ay /bet/ na nangangahulugang "bahay".
Ibang Gamit
baguhinSa pagmamarka, ito ay ang marka na mataas sa C at mababa sa A.
Kimika
baguhinSa larangan ng kimika, ginagamit ang malaking titik na B bilang simbolo para sa elementong boron.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "B, b". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 96. - ↑ Gaboy, Luciano L. Boron, B - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.