W
Ang W [malaking anyo] o w [maliit na anyo] (makabagong bigkas: /dobolyu/, dating bigkas: /wa/ o /wah/[1]) ay ang ika-23 na titik ng alpabetong Romano. Ito ang ika-24 na titik sa bagong alpabetong Tagalog (na ang ika-19 sa lumang abakada ng Pilipinas[1]). Bago dumating ang romanisasyon ng abakada sa Pilipinas, nasusulat sa kakaibang simbolo ang tunog na wa sa sinaunang baybayin ng mga Pilipino.
|
|
Ang ninuno ng kasalukuyang titik na W ay ang ika-6 na titik ng alpabeto ng mga matatandang wikang Ebreo at ng Phoenicia: na may tunog na waw (simbolo: Y). Ninuno din nito ang ika-20 titik ng alpabeto ng klasikong Griyego, ang upsilon. Bago dumating ang hugis W, ginagamit ng mga Romano ang mga titik na U at V bilang representasyon sa tunog ng titik na W. Noong una, ginagamit sa wikang Ingles ang UU (dalawang U), at isa pang simbolo na kung tawagin ay wen. Subalit sinimulang ipakilala ng mga dalubhasa sa wikang Ingles ang W, isang titik na ginamit din sa Pransiya at Alemanya. Sa Alemanya, ang W ay may pagkakahawig sa tunog ng titik na V. Ang W ang pumalit sa lumang simbolong may tunog na wen.[2]
Gamit
baguhinSa kimika, ito ay ang atomikong simbolo ng elementong Tungsten. (naka-istilo bilang W)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "W, w, bigkas: wah". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1556. - ↑ The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.