Aleph

unang titik sa maraming Semitiko na alpabeto

Ang aleph (o alef o alif, isinasatitik bilang ʾ) ay ang unang titik ng mga Semitikong abyad, kabilang dito ang Penisyong ʾālep 𐤀, Ebreong ʾālef א, Arameong ʾālap 𐡀, Siriakong ʾālap̄ ܐ, at Arabeng alif ا. Lumilitaw din ito bilang Timog Arabeng 𐩱, at Ge'ez naʾälef .

Alef
Alef
א
Alef
ܐ
ا



Pagkakatawan sa ponemaʔ, a
Puwesto sa alpabeto1
Halaga sa bilang1
Mga alpabetong hango sa Penisyo
Α A А, Я, Ѣ




Pinaniniwalaan na nagmula ang mga titik na ito mula sa heroglipikong Ehipsiyo na naglalarawan sa ulo ng kapong baka[1] upang ilarawan ang paunang tunog ng Kanlurang Semitikong salita para sa kapong baka,[2] na napanatili sa Ebreong Bibliyahin bilang Eleph 'kapong baka'.[3] Ang uring Penisyo ay umakay sa Griyegong alpha (Α), kung saan nabigyan ito ng bagong kahulugan na ipahayag sa halip ng paimpit na katinig (glottal consonant) ang kalakip na patinig, at samakatuwid ang A ng Latin at А ng Siriliko.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Oldest alphabet found in Egypt" [Pinakalumang alpabeto natagpuan sa Ehipto]. BBC News (sa wikang Ingles). Nobyembre 15, 1999.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Goldwasser, O. (2010). "How the Alphabet was Born from Hieroglyphs" [Paano Ipinanganak ang Alpabeto mula sa Heroglipiko.]. Biblical Archaeology Review 36/2 (March/April): 40-53 (sa wikang Ingles).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Strong's Hebrew: 504. אֲלָפִים (eleph) -- cattle". biblehub.com. Nakuha noong 2020-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)