Katayuan ng kagipitan sa Pilipinas ng 2006
Ang Pilipinas ay napasailalim sa isang katayuan ng kagipitan noong 2006, na inihayag ng tagapagsalita ng pangulo na si Ignacio Bunye ng umaga noong 24 Pebrero 2006, sa bisa ng "Philippine Proclamation 1017" (Pagpapahayag Bilang 1017 ng Pilipinas). Nangyari ito pagkatapos sabihin ng pamahalaan ang pinangangabahang coup d'état na layunin ay patalsikin ang Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo ng umaga ng parehong araw. Ang pamahalaan ng Pilipinas na sumeserbisyo sa katiwasayan ay nagsasabing inaresto nila ang isang heneral na kasali sa coup d'état. Ang pangulo ay tinanggal ang katayuan ng kagipitan (state of emergency) noong 3 Marso 2006 sa kalinisang-puri ng Pagpapahayag Bilang 1021 ng Pilipinas.
Ang estado ng kagipitan ay naging daan para pansamantalang suspendihin ang mababang-antas ng edukasyon at ang pagkansela ng lahat ng lisensiya sa mga demonstrasyon at protesta. Ang Administrasyon ni Arroyo, kilala rin bilang Malacañang, na pinangalan sa palasyo, ay sinuspinde rin ang mga pampublikong gawain sa araw din iyon at pati sa mga sumusunod na araw. Sa mga probisyon ng Saligang-batas ng Pilipinas, sa ilang saglit, ang pamahalaan ay pwedeng arestohin ang kahit sino ng walang pribilehiyo ng sulat ng habeas corpus.
Si pangulong Arroyo ay sinisiguradong lahat ay nasa pamamamahala[1] At hindi maabuso ang estado ng kagipitan.[2]
Talababa
baguhin- ↑ "PGMA says well "All is under control". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-30. Nakuha noong 2009-04-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hindi aabusuhin Naka-arkibo 2006-06-30 sa Wayback Machine. ang Philippine Proclamation 1017