Batas militar sa Timog Korea ng 2024
Noong Disyembre 3, 2024, sa ganap na 10:27 ng gabi sa Pamantayang Oras ng Korea, nagdeklara ng batas militar ang pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol sa isang talumpati na sumahimpapawid ng live sa telebisyon ng YTN Sa kanyang deklarasyon, inakusahan niya ang Partido Demokratiko, na may mayorya sa Kapulungang Pambansa ng nakikisimpatiya sa Hilagang Korea at pagsasagawa ng "mga aktibidad na kontra-estado", lalo pang binansagan silang isang organisasyong kriminal na nakikipagtulungan sa "mga komunistang Hilagang Korea" upang sirain ang bansa. Kasama sa kautusan ang pagbabawal sa anumang gawaing pampulitika, kabilang ang Kapulungang Pambansa, at pagsuspinde sa kalayaan sa pamamahayag.
Batas militar sa Timog Korea ng 2024 | |||
---|---|---|---|
Petsa | Padron:Start and end dates 10:27 pm – 4:30 am (UTC+9) | ||
Pook | |||
Dulot ng | Oposisyon sa mungkahi sa badyet at pagsubok ng pagsasakdal ng mga tagausig na sangkot sa iskandalo.[1] | ||
Katayuan | Bumoto ang Kapulungang Pambansa para alisin ang batas militar; inalis ni Yoon ang batas militar | ||
Mga partido sa labanang sibil | |||
| |||
Pangunahing mga tao | |||
|
Ang deklarasyon ay tinutulan ng Partidong Demokratiko at ang Partidong Lakas ng Bayan (People Power Party) na partido ni Yoon, at nagresulta sa mga protesta. Sa humigit-kumulang 1:00 ng umaga noong Disyembre 4, ang mga mambabatas na naroroon sa Kapulingang Pambansa ay nagkakaisang nagpasa ng mosyon para alisin ang batas militar sa botong 190–0 sa kabila ng mga pagtatangka ng mga pwersang panseguridad na pigilan ang boto.
Kasunod na inalis ni Yoon ang batas militar pagkatapos ng pulong ng Gabinete noong 4:30 ng umaga noong Disyembre 4, at binuwag ang Pag-uutos sa Batas Militar. Matapos alisin ang batas militar, sinabi ng oposisyon na sisimulan nito ang pagsasakdal o impeachment laban kay Yoon sa Kapulungang Pambansa kung hindi siya bababa sa pwesto.
Pagsusuri
baguhinInilarawan ng The Economist ang sitwasyon bilang isang krisis sa konstitusyon.[2] Iniulat ng BBC News na inihambing ito ng isang residente sa kudeta sa Myanmar ng 2021.[3] Inihambing ito sa pag-atake sa Kapitolyo ng Estados Unidos noong Enero 6, na may isang eksperto na nagsasabing ang mga epekto ng deklarasyon sa pulitika ng Timog Korea at ang reputasyon nito ay magiging mas malala kaysa sa nangyari sa Estados Unidos.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "President Yoon's Speech Declaring Martial Law". The New York Times (sa wikang English). 3 Disyembre 2024. Nakuha noong 4 December 2024.
- ↑ "Martial law in South Korea. Next, a constitutional crisis?". The Economist. Nakuha noong 3 December 2024.
- ↑ Walker, Amy; Lee, Rachel (3 December 2024). "South Korea: Martial law sparks fear and confusion among citizens". BBC. Nakuha noong 3 December 2024.
- ↑ "South Korea live: South Korea president backs down from martial law order after MPs vote to block it". BBC News. 4 December 2024. Nakuha noong 4 December 2024.