Ika-8 dantaon
Ang ika-8 dantaon (taon: AD 701 – 800), ay ang panahon mula 701 hanggang 800 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano. Sa panahong ito, mabilis na sumailalim ang baybayin ng Hilagang Aprika at Tangway ng Iberia sa pangingibabaw ng Islamikong Arabe. Natigil ang pagpapalawak pakanluran ng Imperyong Umayyad sa Pagkubkob ng Constantinople ng Bisantinong Imperyo at ang Labanan ng Tours ng mga Pranko. Natapos ang pagkilos ng mga Arabe sa pananakop sa gitna ng ika-8 siglo.[1]
Milenyo: | ika-1 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 700 dekada 710 dekada 720 dekada 730 dekada 740 dekada 750 dekada 760 dekada 770 dekada 780 dekada 790 |
Sa Europa, noong huling bahagi ng siglo, nagsimulang sumalakay sa mga baybayin ng Europa at Mediteraneo ang mga Viking, mga taong naglalayag sa Scandinavia, at nagpatuloy upang mahanap ang ilang mahahalagang kaharian.
Sa Asya, naitatag ang Imperyong Pala sa Bengal. Inabot na ng kataasan ang dinastiyang Tang sa ni Emperador Xuanzong ng Tsina. Nagsimula ang panahong Nara sa Hapon.
Mahahalagang tao
baguhin- Alcuin, Ingles na monghe diyakono, iskolar, at guro; tagapayo ni Carlomagno sa mga gawaing pang-edukasyon
- Charles Martel, Prankong pinuno hanggang 741 (Labanan ng Tours, 732)
- Carlomagno, Hari ng mga Pranko mula 771 hanggang 814
- Desiderius, huling Hari ng mga Lombardo mula 756 hanggang 774
- Du Fu, manunulang Tsino
- Harun al-Rashid, ikalimang Kalipang Abbasid mula 786 hanggang 809
- Irene ng Atenas, Bisantinong Emperatris mula 797 hanggang 802
- Leo III ang Isauriano, Bisantinong Emperador mula 717 hanggang 741, itinaboy ang mga Arabe at sinumulan ang Ikonoklasmong Bisantino
- Li Bai, manunulang Tsino
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Roberts, J., History of the World, Penguin, 1994. (sa Ingles)