7 (bilang)
- Para sa ibang gamit, tingnan 7 (paglilinaw).
Talaan ng mga bilang -- Mga buumbilang | |
Paulat | 7 pito siyete |
Ordinal | ika-7 ikapito pampito |
Sistemang pamilang | septenary |
Pagbubungkagin (Factorization) | lantay |
Mga pahati | 1, 7 |
Pamilang Romano | VII |
Represantasyong Unicode ng pamilang Romano | Ⅶ, ⅶ |
Binary | 111 |
Octal | 7 |
Duodecimal | 7 |
Hexadecimal | 7 |
Hebreo | ז (Zayin) |
Ang 7 (pito o siyete)[1] ay isang bilang, pamilang, at ang pangalan ng glipong sinasalarawan ng bilang na iyon. Ito ang likas na bilang na pagkatapos ng 6 at bago ng 8. Ang Romanong pamilang ay VII.
Sa pananampalataya, ayon sa paliwanag ni Jose Abriol, isang bilang na banal ang pito. Sa Aklat ng Henesis (Hen 21:30) sa Lumang ng Tipan ng Bibliya, tinanggap ni Abimelec ang pitong tupang babae upang kilalanin na ang isang na balon na pag-aari ni Abraham.[2]
Sipnayan
baguhin- Pito, ang pang-apat na pangunahing bilang, ay hindi lamang isang primong Mersenne (dahil 23 − 1 = 7) ito rin ay isang dobleng primong Mersenne, sapagkat ang eksponente (o paulit) na 3 ay sa sarili nito isang primong Mersenne.
- Ito rin ay isang primong Newman–Shanks–Williams, primong Woodall, primong paktoryal, primong buwenas (numerong buwenas), primong masaya (numerong masaya), primong ligtas, at ang pang-apat na numerong Heegner.
- Pito ay ang pinakamababa na likas na bilang na ay hindi mailarawan bilang ang kabuuan (Ingles: sum) sa mga kwadrado ng tatlong buumbilang (Ingles: integer).
- Pito ay ang kabuuang elikwot ng isang numero, ang numerong kubiko na 8 at ay ang base ng punong 7-elikwot.
- 7 ay ang tanging numerong D na kung saan ang tumbasan (English: equation) na 2n − D = x2 ay may higit pa sa dalawang solusyon para sa n at x natural. Partikular, ang tumbasang 2n − 7 = x2 ay kilala rin bilang tumbasang Ramanujan–Nagell.
- 7 ay naiisang dimensiyon, labas sa pamilyar na 3, na kung saan ang isang produktong krus ay maaaring matukoy.
- 7 ay pinakamababang dimensiyon sa isang batid na sperong eksotik, bagamat maaaring may umiiral na sa ngayon ay hindi pa nakilalang maayos na istrakturang eksotik na nasa esperong 4-dimensiyonal.
- 999,999 hahatiin sa 7 ay eksaktong 142,857. Samakatuwid, kapag ang isang praksiyong bulgar na may 7 bilang denominador ay ipinapalitan sa isang pagpalawak ng desimal, ang resulta ay parehong anim-tambilang (English: six-digit) paulit-ulit na pagkakasunud-sunod pagkatapos sa tuldok-desimal, ngunit ang pagsusunud-sunod nito ay maaaring magsimula anuman sa anim na tambilang na iyon. Halimbawa, 1/7 = 0.142857 142857... at 2/7 = 0.285714 285714....
- Sa katunayan, kung isinaayos ang mga tambilang ng numerong 142,857 sa kaayosang pataas (English: ascending order), 124578, posibleng malaman ang kung alin sa mga tambilan ang parteng desimal ng numero ay magsisimula. Ang labis sa pag-hati (English: divide) ng kahit anong numero sa 7 ay magbibigay ng posisyon sa pagkakasunud-sunod (English: sequence) na 124578, na kung saan ang parteng desimal sa rumeresultang numero ay nagsisimula. Halimbawa, 628 ÷ 7 = 89 5/7; dito ang labis ay 5, at tumutugon ito sa numerong 7 sa pag-raranggo ng sekwens na pataas. Sa kasong ito, 628 ÷ 7 = 89.714285. Isa pang halimbawa, 5238 ÷ 7 = 748 2/7. Samakatuwid, ang labis ay 2 at ito'y tumutugon sa numerong 7 sa pagkakasunud-sunod. Sa kasong ito, 5238 ÷ 7 = 748.285714.
- Ang isang hugis na may pitong panig ay tinatawag na heptagon. Ang regular na mga n-gon para sa n ≤ 6 ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng konstruksiyong compass-at-straightedge lamang, ngunit ang regular na heptagon ay hindi. Mga numerong humuhugis na naglalarawan ng heptagon ay tinatawag na numerong heptagonal
Sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Pito, siyete, seven". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1055. - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Bilang pito". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 36.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Bilang ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.