Abatar (termino)
Ang abatar[1], mula sa Sanskrit na nangangahulugang "Ang nagmula sa itaas" (literal : "nanaog") ay ginagamit bilang katawagan sa mga Diyos (deva), partikular na sa Hinduismo, na nananaog sa lupa na may partikular na anyo, o di kaya nama'y ipinanganganak na mistulang ordinaryong nilalang, para sa isang misyon o upang ibalik ang Dharma.
Pinakakilala sa mga Diyos na maraming mga abatar si Vishnu (marami siyang abatar, ngunit may 10 pinakakilala). Sa bawat abatar niya, nagpapamalas siya ng iba't-ibang anyo. Ipinapalagay ng mga Vaishnava (mga tagasunod ni Vishnu) na si Vishnu ang pinakamataas sa lahat ng Diyos.
Sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.