Abiah
Si Abijah o Abijam o Abias (Hebreo: אֲבִיָּם, Moderno: ʼAvīyam, Tiberiano: ʼAḇīyyām, "Ama ng dagat" or "ang ama ang aking dagat(Yam (diyos))"; Biblical Greek: Αβιού, romanisado: Aviou; Latin: Abiam) ayon sa Tanakh ay isang hari ng Kaharian ng Juda. Si Abijah ay naghari noong ika-18 taon ni Jeroboam at siya ay naghari ng tatlong taon sa Herusalem. Siya ay inilalarawan sa 1 Hari 15:3 na isang masamang tao: "At siya'y lumakad sa lahat ng mga kasalanan ng kaniyang ama na ginawa nito na una sa kaniya: at ang kaniyang puso ay hindi sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang magulang." Ayon naman sa 2 Kronika 13:10-12, siya ay isang napakatuwid na tao at dahil dito ay natalo niya ang 500,000 mga hukbo ng Kaharian ng Israel sa Samaria at si Jeroboam ay pinatay ng Diyos dahil sa kanyang kasamaan.
Abijah, Abijam, Abias | |
---|---|
Abijam from Guillaume Rouillé's Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553 | |
Panahon | c. 913 – 911 BCE |
Sinundan | Rehoboam |
Sumunod | Asa ng Judah |
Asawa | 14 asawa |
Anak | 22 anak na lalake at 16 anak na babae |
Ama | Rehoboam |
Ina | Maacah, o Micaiah na anak ni Uriel ng Gibeah at apo ni Absalom |
Kapanganakan | c. 950 BCE Herusalem |
Kamatayan | 911 BCE |
Libingan | Herusalem |
Pananampalataya | Yahwismo |