Asa ng Juda
Si Asa (Hebreo: אָסָא, Moderno: ʾAsaʾ, Tiberiano: ʾĀsāʾ; Griyego: Ασά; Latin: Asa) ayon sa Tanakh ay hari ng Kaharian ng Juda. Siya ay naghari noong ika-20 taon ng paghahari ni Jeroboam na hari ng Kaharian ng Israel. Siya ay naghari ng 41 taon.Ang kanyang ina ay si Maakah na anak ni Abishalom. (1 Hari 15:9-10). Ayon sa 1 Hari 15, sa kanyang paghahari, "ang matataas na dako ay hindi inalis". Siya ay inalalarawan na isang taong matuwid at inaalis ang mga diyos-diyosan na ginawa ng kanyang mga magulang at inalis ang kanyang inang si Maakah sa pagkareyna dahil sa paggawa nito ng imahen ni Asherah. Ginawa ni Asa nang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, gaya ng ginawa ni David na kaniyang magulang. Ngunit "Ang matataas na dako ay hindi inalis" sa kanyang paghahari (1 Hari 15:14), ito ay salungat sa 2 Kronika 14:3 kung saan "inalis niya ang matataas na dako" at pinagpuputol ang mga haligi at ibinagsak ang mga Asherah.
Asa | |
---|---|
Asa from Guillaume Rouillé's Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553 | |
Panahon | c. 911 – 870 BCE |
Sinundan | Abijah |
Sumunod | Jehoshaphat |
Asawa | Azubah |
Ama | Abijam |
Kapanganakan | c. 932-927 BCE |
Kamatayan | 870 BCE Jerusalem |
Pananampalataya | Judaism |
Sa kanyang paghahari, nagkaroon ng pagdidigmaan si Asa kay Baasha na hari ng Kaharian ng Israel sa lahat ng kanilang kaarawan. (1 Hari 20:32-33) Ito ay salungat sa 2 Kronika 14:6, na sa pahanon ni haring Asa ng Juda ay " hindi nagkaroon ng pakikipagdigma sa mga taong yaon; sapagka't binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan.". (2 Kronika 15:15) Si Baasha ay namatay noong ika-26 ng paghahari ni Asa ayon sa 1 Hari 16:8-10. Ayon naman sa 2 Kronika 16:6, itinayo ni Baasha ang Rama noong ika-36 taon ng paghahari ni Asa.(1 Hari 15:16-17)