Ace Vergel
Si Ace Vergel (20 Nobyembre 1952[1] - 15 Disyembre 2007) ay isang dating artistang Pilipino. Siya ay anak ng nasirang mga artistang sina Alicia Vergel at Cesar Ramirez. Una siyang gumanap bilang isang batang-artista noong 1959 sa pelikulang Anak ng Bulkan na pinangunahan nina Edna Luna at Fernando Poe, Jr.
Ace Vergel | |
---|---|
Kapanganakan | Ace York Aguilar Vergel 20 Nobyembre 1952 |
Kamatayan | 15 Disyembre 2007 | (edad 55)
Nasyonalidad | Filipino |
Ibang pangalan | Alas, The Original Bad Boy of Philippine Movies |
Trabaho | Aktor |
Aktibong taon | 1959–2003 |
Asawa | Maya Dela Cuesta |
Anak | Alejandro King Aguilar |
Magulang | Alicia Vergel at Cesar Ramirez |
Parangal | Gawad Urian Best Actor 1989 Anak ng Cabron |
Personal na buhay
baguhin- Mga magulang: Cesar Ramirez, Alicia Vergel
- Mga kapatid: Beverly Vergel
- Asawa: Maya Dela Cuesta
- Anak: Alejandro King Aguilar
Karera sa pelikula
baguhinUnang gumanap bilang aktor noong 1959, sa edad na 5-taong gulang si Ace Vergel sa pelikulang Anak ng Bulkan, kasama sina Fernando Poe Jr. and Edna Luna.
Noong 1989, siya ay nagwagi bilang pinakamahusay na aktor sa Gawad Urian at Movie Actor of the Year sa PMPC Star Awards for Movies dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Anak ng Cabron.
Mga kontrobersiya
baguhinNoong Agosto ng 2007, dinakip ng mga pulis at ginawaran ng warrant of arrest si Ace sa Lungsod ng Kalookan dahil sa isinampa sa kanya na kasong panggagahasa. Subalit makaraan nito, siya ay pinalaya nang mapag-alaman ng mga pulis na ang naturang warrant of arrest ay wala na palang bisà. Napaulat din ang kanyang kinalaman sa mga ipinagbabawal na gamot, subalit ang mga kaso sa kanya ay napawalang-bisà.[2]
Kamatayan
baguhinSumakabilang-buhay si Ace Vergel sanhi ng atake sa puso, noong 15 Disyembre 2007 sa edad na 55 taong-gulang, isang araw makaraan ang ikatlong taon ng kamatayan ng kanyang kaibigan at kapwa-aktor na si Fernando Poe Jr.
Mga pelikula
baguhin
|
Panlabas na kawing
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ https://www.philstar.com/entertainment/2007/12/16/33585/ace-vergel-dies-heart-attack-55
- ↑ "Actor Ace Vergel dies of cardiac arrest at age 55". GmaNews.tv. 2007-12-15. Nakuha noong 2007-12-15.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.