Achillea millefolium

Ang Achillea millefolium[1] (pangalang pang-agham), yaro (mula sa Ingles na yarrow), milepolyo o milepolyum (mula sa millefolium) ay isang uri ng halamang yerba o halamang-gamot. Nagmula ang pangalang Latin nito - ang pangalan sa agham - sa bayaning Griyegong si Achilles. Ginamit itong gamot para sa mga sugat noong mga panahon ng mga digmaang Trojan. Sa Ingles, isa sa mga pangkaraniwang tawag dito ang nosebleed o "pagdurugo ng ilong" (paglabas at pagtulo ng dugo mula sa ilong), sapagkat kaugnay ito sa katangian nitong makapigil sa pagdurugo ng sugat. Sa kasalukuyang panahon, mahalaga ito sa paggamot ng mga sipon at sa epekto sa mga sistemang sirkulatoryo, dihestibo, at urinaryo. Karaniwang matatagpuan itong tumutubo sa mga damuhan.[1]

Yaro
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Asterales
Pamilya: Asteraceae
Sari: Achillea
Espesye:
A. millefolium
Pangalang binomial
Achillea millefolium
L., 1753

Bilang halamang-gamot

baguhin

Nagagamit ang mga bulaklak nito bilang panlaban sa mga alerhiya. Ginagamit namang pang-alis ng pamamaga at pamahid sa dibdib kung may sipon ang kulay maitim-na-bughaw na langis. Nakapagaanyaya ng pagpigil ng pagdurugo ang mga dahon, kaya't nagagamit ang mga sariwang dahon may pagdurugong tumutulo mula sa mga butas ng ilong, ngunit hindi ipinapasok sa loob ng butas ng ilong ang dahon sapagkat maaaring makasanhi rin ng pagsisimula ng pagdurugo. Dating ginagamit din ang mga dahon bilang lunas sa mga paulit-ulit at matinding sakit ng ulo. Mainam din ito para sa pagpapababa ng mataas na presyon ng dugo (altapresyon), sa mga suliranin sa pagreregla, at sa pagpapababa ng temperatura kung may lagnat.[1]

Sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Ody, Penelope (1993). "Yarrow, Achillea millefolium". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

baguhin