Ang Acireale (Italyano: [ˌAtʃireˈaːle]; Siciliano: Jaciriali, lokal na pinaikli bilang Jaci o Aci) ay isang baybaying lungsod at komuna sa hilagang-silangan ng Kalakhang Lungsod ng Catania, Sicilia, katimugang Italya, sa paanan ng Bundok Etna, sa baybayin na nakaharap sa Dagat Jonico. Ito ay tahanan ng maraming simbahan, kabilang ang Neogotikong Basilika ni San Pedro, ang Basilika ni San Sebastian na nasa estilong Sicilianong Baroko, at ang 17th siglong Katedral ng Acireale, at isang seminaryo, para sa pagsasanay ng mga pari. Ang Acireale ay kilala rin para sa sining at mga pinta nito; ang pinakalumang akademya sa Sisilia, ang "Accademia dei Dafnici e degli Zelanti", ay matatagpuan dito.

Acireale

Jaciriali (Sicilian)
Città di Acireale
Piazza del Duomo
Piazza del Duomo
Lokasyon ng Acireale
Map
Acireale is located in Italy
Acireale
Acireale
Lokasyon ng Acireale sa Italya
Acireale is located in Sicily
Acireale
Acireale
Acireale (Sicily)
Mga koordinado: 37°37′N 15°10′E / 37.617°N 15.167°E / 37.617; 15.167
BansaItalya
RehiyonSicily
Kalakhang lungsodCatania (CT)
Mga frazionesee list
Pamahalaan
 • MayorStefano Alì
Lawak
 • Kabuuan40.43 km2 (15.61 milya kuwadrado)
Taas
102 m (335 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan52,269
 • Kapal1,300/km2 (3,300/milya kuwadrado)
DemonymAcesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
95024
Kodigo sa pagpihit095
Santong PatronSt. Venera and St. Sebastian
Saint day26 July and 20 January
WebsaytOpisyal na website

Mga pangunahing tanawin

baguhin

Ang simbahan ng San Biagio sa Acireale ay naglalaman ng ilan sa mga labi ng Benerableng Gabriele Allegra, na pumasok sa Franciscanong seminaryo noong 1918.

Ang Villa Belvedere at Parco delle Terme, dalawang malalaking parkeng pampubliko at "La Timpa", isang magandang likas na reserba na kung saan matatanaw ang Dagat Jonico, ay nag-aalok ng magagandang tanawin ng kalikasan. Ang Piazza Duomo, kasama ang Basilika ng San Pedro, ay nasa pangunahing plaza ng lungsod. Maraming magagandang makasaysayang gusaling Baroko sa bayan, tulad ng Palazzo Pennisi at Palazzo Modò, na mula noong ika-17 siglo, at ang Palazzo Musmeci na nagsimula noong ika-18 siglo. Ang komersiyal na sentro ng lungsod ng ay pangunahing matatagpuan sa mga kalye kabilang ang at katabi ng Corso Umberto at Corso Italia, na ang mga ito ang pangunahing daanan ng lungsod.

Ang Fortezza del Tocco, isang ika-16 na siglong kuta, ay ginawang isang reserbang pangkalikasan.

 
Mga float sa karnabal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin