Si Acrisius (Sinaunang Griyego: Ἀκρίσιος) ang hari ng Argos at isang anak nina Abas at Aglaea[1] (o Ocalea depende sa sanggunian). Siya ang apo ni Lynceus at apo sa tuhod ni Danaus. Siya ang kambal na kapatid ni Proetus na sinasabing nakipag-away sa kanya kahit sa sinapupunan ng kanilang ina. Nang mamatay si Abas at lumaki na si Acricius, pinatalsik ni Acrisius si Proetus mula sa pagmamana. Gayunpaman, sa pagsuporta ng biyenan na si Iobates na Lycian, si Proetus ay bumalik at napilitang isalo ang kanyang kaharian sa kanyang kapatid sa pagbibigay rito ng Tiryns samantalang kanyang pinanatili ang Argos. Si Acrisius ang lolo ng demi-diyos(kalahating diyos at kalahating tao) na si Perseus.

Talambuhay baguhin

Si Perseus ang anak nina Zeus at Danaë.[2] Si Danaë ang anak ni Acrisius na Hari ng Argos. Sa pagkasiphayo ng kawalang suwerte sa pagkakaroon ng anak na lalake, kinonsulta ni Acrisius ang orakulo ng Delphi na nagbabala sa kanya na isang araw ay mapapatay siya ng ng anak na lalake ng kanyang anak na babae kay Zeus. Si Danaë ay walang anak at upang panatilihin siyang gayon, kanyang ikinulong siya sa isang kamarang bronse na bukas sa langit sa patyo ng kanyang palasyo.[3] Ang diyos na si Zeus ay dumating sa kanya sa anyo ng isang pagpapaligo ng ginto at binuntis siya.[4] Sa sandaling pagkatapos nito, ang kanilang anak ay ipinanganak na si Perseus—Perseus Eurymedon.[5] Sa takot sa kanyang hinaharap at hindi handang galitin ang mga diyos sa pamamagitan ng pagpatay sa supling ni Zeus at kanyang anak na babae, inihagis ni Acrisius sina Perseus at Danae sa dagat sa isang kahong kahoy.[6] Ang mag-ina ay natangay sa baybayin ng isla ng Seriphos kung saan ay kinuha sila ng mangingisdang si Dictys("lambat na pang-isda") na nagpalaki sa bata. Ang kapatid na lalake ni Dictys ay si Polydectes("siya na tumatanggap ng marami") ang hari ng isla. Sa pagtatangka ni Polydectes na ligawan si Danae ay kanyang naisip na isang panggulo si Perseus at kaya kanyang ipinadala si Perseus sa isang imposibleng paghahanap na muling ibalik ang ulo ni Medusa. Sa tulong nina Athena at Hermes, isang pinakintab na kalasag at iba pang mga magagamit na bagay na tinulungang hanapin ni Graeae, nagawa ni Perseus na pugutan ito ng ulo nang hindi nagiging bato at isinara ito sa isang sako. Sa kanyang mga paglalakbay, napaibig si Perseus sa isang birheng si Andromeda na nagbabayad sa mga kayabangan ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagkalantad sa isang halimaw ng dagat. Pumayag si Perseus na patayin ang halimaw kung kanyang mapapakasalan si Andromeda. Nang umuwi sa kanyang tahanan si Perseus, kanyang natagpuan si haring Polydectes na umaasal ng masama kaya kanyang ipinakita sa hari ang gantimapla na kanyang na kunin ni Perseus na tumigas na ulo ni Medusa at si Polydectes ay naging bato. Ang ulo ni Medusa ay isang makapangyarihang sandata ngunit handang itong isuko ni Perseus kay Athena na inilagay ito sa sentro ng kanyang kalasag. Pagkatapos ay tumungo si Perseus sa Argos at Larissa upang makipagtunggali sa mga palaro. Doon ay kanyang aksidenteng napatay ang kanyang lolong si Acrisius nang tinangay ng isang hangin ang discus na kanyang hinahawakan na tumupad sa hula ng orakulo ng Delphi. Pagkatapos ay tumungo si Perseus sa Argos upang angkinin ang trono. Dahil napatay ni Perseus ang kanyang lolo, kaya ay nabagabag siya sa paghaharing kapalit nito at kaya ay tumungo sa Tiryns kung saan ay natagpuan niya ang pinunong si Megapenthes na handang makipagpalitan ng mga kaharian. Kinuha ni Megapenthes ang Argos at kinuha ni Perseus ang Tiryns. Kalaunan ay itinatag ni Perseus ang kalapit na siyudad na Mycenae na nasa Argolis sa Peloponnese.

Mga sanggunian baguhin

  1. Bibliotheca Book 2.
  2. Kerenyi, Karl (1959). The Heroes of the Greeks. London: Thames and Hudson. p. 45. See also Danaus, the eponymous ancestor.
  3. "Even thus endured Danaë in her beauty to change the light of day for brass-bound walls; and in that chamber, secret as the grave, she was held close" (Sophocles, Antigone). In post-Renaissance paintings the setting is often a locked tower.
  4. Trzaskoma, Stephen; et al. (2004). Anthology of classical myth: primary sources in translation. Indianopolis, IN: Hackett. ISBN 978-0-87220-721-9.
  5. Eurymedon: "far-ruling"
  6. For the familiar motif of the Exposed Child in the account of Moses especially, see Childs, Brevard S. (1965). "The Birth of Moses". Journal of Biblical Literature. 84 (2): 109–122. JSTOR 3264132. And Redford, Donald B. (1967). "The Literary Motif of the Exposed Child (Cf. Ex. ii 1-10)". Numen. 14 (3): 209–228. doi:10.2307/3269606. Another example of this mytheme is the Indian figure of Karna.