Ang Mycenaen o Misenas (Griyego: Μυκῆναι Mykēnai o Μυκήνη Mykēnē; Kastila: Micenas) ay isang lugar na pang-arkeolohiya sa Gresya, na tinatayang nasa 90 km timog-kanluran ng Athens, sa loob ng hilaga-silangan ng Peloponnese. Ang Argos ay 11 km papunta sa timog; ang Corinth, 48 km pakanluran. Mula sa burol na kinalalagyan ng palasyo, matatanaw ang kahabaan mula sa Argolid hanggang sa Tangway na Saroniko.

Mga Pook na Pang-arkeolohiya ng Mycenaen at ng Tiryns
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO
PamantayanPangkultura: i, ii, iii, iv, vi
Sanggunian941
Inscription1999 (Ika-23 sesyon)
Mga koordinado37°43′51″N 22°45′22″E / 37.730833°N 22.756111°E / 37.730833; 22.756111
Larawan ng isang Misena o babaeng Miseno.

Noong ika-2 milenyong BC, ang Mycenaen ay isa sa pangunahing mga sentro ng kabihasnang Griyego, isang matibay na tanggulang pangmilitar (kuta) na nangibabaw sa katimugang Grasya. Ang kapanahunan ng kasaysayan ng Grasya magmula sa tinatayang 1600 BC magpahanggang sa 1100 BC ay tinatawag na Grasyang Miseno bilang pagtukoy sa Mycenaen.

Sila ang pumalit sa kalinangang Minoano.

Pinagmulan ng mga Mycenaenyo

baguhin

Pinagtatalunan pa rin sa kasalukuyan ang pinagmulan ng mga kalinangang Miseno. Ngunit natitiyak na sila ang ninuno ng mga Sinaunang Griyegong nasa pangunahing lupain ng Sinaunang Gresya. Partikular na umiiral na sila noong mga panahon na ititayo ang mga palasyo sa Kreta (o Creta). Walang dudang naimpluwensiyahan sila ng kabihasanang Kretano. Pinaniniwalaan din ng mga dalubhasang dating nakadepende o kabahagi ang kanilang lupain ng kabihasnan ng Kreta.[1]

Isang bukod at natatanging sibilisasyong Miseno ang umiral na noong mga 1500 BK. Pagkaraan ng ilang mga daang taon, nilarawan sila ni Homero bilang isang kabihasnang "mayaman sa ginto". Isa itong paglalarawan na napagtibay ng mga natuklasan ni Schliemann at ng iba pang mga manunuklas na sumunod sa kanyang mga yapak.[1] Noon pa mang 600 B.C.E., pinaniniwalaan nang may mga taong nagmula sa Timog-Kanlurang Asia ang nanirahan sa Isla ng Crete. Ang mga taga-Egypt ay dumayo rin sa Crete noong 3000 B.C.E.. Noong 2000 B.C.E., may mga pangkat na nanggaling salambak ng Danube na sumakop sa Greece. Tinawag nila ang kanilang sarili na Hellenes. Ang Hellenes ay hango sa salitang hellas , isang lugar sa kanlurang bahagi ng Greece. Ang kauna-unahang pamanayan na kanilang natagpuan ay ang Islang Crete na rehyon ng Aegean. Pinamumunuan ito niHaring Minos. Ang Crete ay nasa estrahikong lokasyon kung kaya naging masigla ang kalakalan dito. Dito ang hintuan ng mga mangangalakal na nagyayao't parito sa pagitan ng Europe at Africa. Ang sibilisasyong nalinang sa Crete ay tinawag na Minoan bilang parangal kay Haring Minos. Si Haring Minos ay nakapagtayo sa isang kahariang sumakop sa karatig-isla ng Greece at nakontrol nito ang mgarutang pangkalakalan. Bantog din ang Greece sa larangan ng pagbabarko. Sinabing ang unang pinakapamatibay na barko ay ginawa sa pamamahala ni Haring Minos.

Dinastiyang Perseid

baguhin

Ayon sa mga klasikong mitolohiyang Griyego, ang Mycenae ay itinatag ni Perseus na apo ni haring Acrisius ng Argos. Si Perseus ang anak na lalake ng anak na babae ni Acrisius na si Danaë. Sa akisenteng pagpatay ni Perseus sa kanyang lolo, hindi maaari at hindi namana ni Perseus ang trono ng Argos. Sa halip, kanyang isinaayos ang isang pagpapalitan ng mga askop sa kanyang pinsang si Megapenthes at naging hari ng Tiryns at si Megapenthes ay kumuha ng Argos. Dito, ay kanyang itinatag ang Mycenae at nagharing magsanib ng mga kaharian mula sa Mycenae. Pinakasalan ni Perseus si Andromeda at nagkaroon ng maraming mga anak ngunit sa paglipas ng panahon ay nakipagdigmaan sa Argos at napatay ni Megapenthes. Ang kanyang anak na si Electryon ang naging ikalawa ng dinastiya ngunit ang paghalili ay tinutulan ng mga Taphian sa ilalim ni Pterelaos na isa pang Perseid na nagasalto sa Mycena at sa pagkakatalo ay umurong kasama ng mga baka. Ang mga baka ay nabawi ni Amphitryon na isang apo ni Perseus ngunit kanyang napatay ng aksidente ang kanyang tiyuhin ng isang club sa isang insidente ng magulong mga baka. Ang trono ay napuntay kay Sthenelaus na ikatlo sa dinastiya at isang anak ni Perseus.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Homer's Mycenaeans". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Mycenaean Art, The Art of the Prehistoric Aegean, pahina 96.