Adamantina

(Idinirekta mula sa Adamantium)

Ang adamantina, adamantino, adamantita, adamantiyo, o adamantiyum ay mga salitang tumutukoy sa anumang mga sustansiyang may natatanging katigasan, binubuo man ng diyamante, iba pang mga batong-hiyas, o ilang uri ng mga metal. Kapwa hinango ang salitang adamantina at mga katulad na salitang nabanggit at pati na ang salitang diyamante buhat sa Griyegong αδαμας (adamas), na may kahulugang "hindi mapaamo". Ang adamantita at adamantiyum (isang pangalang metalikong hinango mula sa Bagong Latin.

Sa kahabaan ng sinaunang kasaysayan, ang adamantina ay tumutukoy sa anumang mga bagay na yari sa isang napakatigas na materyal. Nilarawan ni Virgil ang Tartarus na may isang umiirit o tumitiling tarangkahan napuprutektahan ng solidong adamantina (Aeneid aklat VI). Nang lumaon, pagsapit ng Gitnang mga Panahon, ang kataga ay tumutukoy na sa diyamante, dahil ito ang pinakamatigas na bagay na nakikilala, at nananatiling pinakamatigas na hindi sintetikong material na nalalaman.

Noong panahon din ng Gitnang mga Panahon nangyaring naikalito at napagsama ang katigasan ng adamantina at ang nakahahatak o magnetikong mga katangian ng bakalbalani (lodestone sa Ingles, kilala rin bilang batubalani), na humantong sa kapalit na kahulugan kung saan ang Ingles na adamant ay may ibig sabihing magnet, na may kamaliang hinango magmula sa Latin na adamare, na nangangahulugang "umibig", "magmahal", o "maging nakakabit".[1] Isang pang may kaugnayan dito ay ang paniniwala na ang adamant (ang kahulugang pangdiyamante) ay maaaring makaharang ng mga epekto ng isang magnet o balani. Halimbawa ng pagtukoy dito aya ang pagtalakay sa Kabanata III ng Pseudodoxia Epidemica.

Dahil sa ang salitang diyamante ay ginagamit na sa ngayon para sa pinakamatigas na batong-hiyas, ang lumalaong arkaiko o naluluma nang katagang adamant ay nagkaroon na lamang ng pangtula o pangmakatang piguratibong paggamit. Sa ganitong kakayahan ng salita, ang pangalan ay madalas na ginagamit sa midyang popular at sa kathang-isip upang tukuyin ang isang napakatigas na sustansiya.

Mga sanggunian

baguhin