Lalawigan ng Adana
Ang Lalawigan ng Adana, (Turko: Adana ili) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa gitnang-timog ng Anatolia. Sa populasyong 2.20 milyon, ito ang ikaanim na pinakamataong lalawigan sa Turkiya. Ang sentro ng pamahalaan ay sa lungsod ng Adana, na tahanan ng 79% ng mga residente ng lalawigan. Ang lalawigan, sa pang-heograpiya at gayon din sa pang-ekonomiya, ay bahagi ng rehiyon ng Çukurova kasama ang mga lalawigan ng Mersin, Osmaniye at Hatay.
Lalawigan ng Adana Adana ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Adana sa Turkiya | |
Mga koordinado: 37°N 36°E / 37°N 36°E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Mediteranyo |
Subrehiyon | Adana |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Adana |
• Gobernador | Mahmut Demirtaş |
Lawak | |
• Kabuuan | 14,030 km2 (5,420 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 2,201,670 |
• Kapal | 160/km2 (410/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0322 |
Plaka ng sasakyan | 01 |
Populasyon
baguhinAng populasyon ng lalawigan ng Adana Province noong Disyembre 31, 2015 ay 2,183,167.[2] Nakatira ang 88% ng populasyon sa mga urbanong lugar na ginagawa ang lalawigan bilang isa sa mga pinaka-urbanisadong lalawigan sa Turkiya. Ang taunang paglago ng populasyon ay 0.76%, mababa sa katamtamang paglago ng bansa. Ang 79% ng mga residente ng lalawigan ay katumbas ng isang populasyon na 1,717,473[2] na nakatira sa lungsod ng Adana, na binubuo ng mga distrito ng Seyhan, Yüreğir, Çukurova at Sarıçam.
Distrito | Urbano | Rural | Kabuuan |
---|---|---|---|
Seyhan | 723,277 | 0 | 723,277 |
Yüreğir | 417,693 | 4,836 | 422,529 |
Çukurova | 343,770 | 4,171 | 347,941 |
Sarıçam | 99,313 | 21,012 | 120,325 |
Karaisalı | 7,465 | 15,516 | 22,981 |
Aladağ | 4,139 | 13.030 | 17,169 |
Ceyhan | 105,879 | 52,850 | 158,729 |
Feke | 4,603 | 14,393 | 18,996 |
İmamoğlu | 20,593 | 9.959 | 30,552 |
Karataş | 8.483 | 12,777 | 21,260 |
Kozan | 76,864 | 50,236 | 127,100 |
Pozantı | 9,864 | 10,415 | 20,279 |
Saimbeyli | 3,984 | 13,371 | 17,355 |
Tufanbeyli | 5,376 | 12,696 | 18,072 |
Yumurtalik | 5,129 | 13,531 | 18,660 |
Kabuuan ng lalawigan | 1,836,432 | 248,793 | 2,085,225 |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
- ↑ 2.0 2.1 "2015 Population of the Districts in Adana Province" (sa wikang Ingles). Statistics Institute of Turkey. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-02-04. Nakuha noong 14 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)