Si Adenike Titilope Oladosu (ipinanganak noong 1994)[1]) ay isang aktibista sa klima na galing sa Nigeria, isang eco-feminist at ang nagpasimula ng kilusang Friday For Future sa Nigeria.[2][3] Dalubhasa siya sa pagkakapantay-pantay, seguridad at pagbuo ng kapayapaan sa buong Africa, lalo na sa rehiyon ng Lake Chad.[4]

Adenike Oladosu
Oladosu noong 2020
Kapanganakan
Adenike Titilope Oladosu

(1994-09-30) 30 Setyembre 1994 (edad 30)
Abuja, Nigeria
NasyonalidadNigerian
EdukasyonUniversity of Agriculture, Makurdi
Aktibong taon2018–kasalukuyan
Kilala saAktibismong pangklima

Kinilala siya bilang isa sa tatlong batang itim na aktibista mula sa Africa na sumusubok na labanan ang pagbabago ng klima kasama sina Vanessa Nakate at Elizabeth Wathuti ng Greenpeace UK para sa UK Black History Month[5] at noong Disyembre 2019, dumalo si Oladosu sa pagtitipon ng COP25 sa Espanya bilang isang delegado ng mga kabataan ng Nigeria kung saan nagbigay siya ng isang "nakakapagpabagong mensahe" tungkol sa pagbabago ng klima sa Africa at kung paano ito nakakaapekto sa mga buhay ng bawat indibidwal.[6][7]

Talambuhay at edukasyon

baguhin

Si Oladosu ay mula sa Ogbomosho sa estado ng Oyo. Natanggap niya ang kanyang edukasyon sa GSS Gwagwalada Abuja, at pagkatapos ay nagpatuloy sa University of Agriculture, Markurdi kung saan nakakuha siya ng isang first class degree saAgricultural Economics.[2]

Aktibismo sa klima

baguhin

Nagsimulang mag-organisa si Oladosu para sa aktibismo ng klima pagkatapos niyang magsimulang mag-aral sa pamantasan. Nakita niyang galit ang mga magsasaka at pastor dahil ang kanilang lupain ay naging mas tigang at ang iba pang mga pamayanan na hindi pa kailanman nakaranas nang pagbaha ay nawasak ang kanilang mga bukirin. Sa pagbabasa ng Special Report on Global Warming of 1.5 °C, ulat ng IPCC, ang nag-udyok sa kanya na sumali sa kilusang Fridays For Future. Nagsimula siyang magtaguyod sa mga pamayanan, paaralan, at mga pampublikong lugar upang magsalita sa mga tao tungkol sa krisis sa klima. Hinimok niya sila na magtanim ng mga puno at turuan ang kanilang mga kaibigan.[8]

Noong 2019, si Oladosu ay angnakatanggap ng Ambassador of Conscious Award mula sa Amnesty International Nigeria[9] at nakausap niya ang mga pinuno ng mundo sa UN youth climate summit.[10]

Dumalo siya sa 2019 Climate Change conference sa Madrid kasama si Greta Thunberg kung saan nakuha niya ang pansin ng mga namumuno sa mundo tungo sa pagbabago ng klima ng Nigeria at Africa.[11][12]

Mga parangal at pagkilala

baguhin
  • 22 magkakaibang boses na susundan sa Twitter ngayong Earth Day ng Amnesty International[13]
  • 15 ambassador of the African youth climate hub[14]
  • 15 ambasador ng sentro ng klima ng kabataan ng Africa

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Tsanni, Abdullahi (2019-06-11). "My fight for climate action has just begun – Adenike Oladosu". African Newspage (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Adebote, ‘Seyifunmi (2019-09-19). "Six Nigerian youth activists to attend UN Climate Summit". EnviroNews Nigeria - (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-01-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Watts, Jonathan (2019-09-19). "'The crisis is already here': young strikers facing climate apartheid". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 2020-01-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "5 Empowered Female Environmentalists". www.kelleemaize.com. Nakuha noong 2020-01-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Hanson, James. "3 young black climate activists in Africa trying to save the world". www.greenpeace.org.uk. Nakuha noong 2020-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Breeze, Nick. "Youth strikers march for climate justice". The Ecologist. Nakuha noong 22 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. ""We need climate action," urge Nigerian children". CNN (sa wikang Ingles). 2019-03-14. Nakuha noong 2021-01-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Hanson, James (28 Oktubre 2019). "3 young black climate activists in Africa trying to save the world". Greenpeace. Nakuha noong 2020-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. VanVugt, Bianca (2019-03-05). "Support inspiring young women taking action on climate change". Wasteless Planet. Nakuha noong 22 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. McCarthy, Joe. "12 Female Climate Activists Who Are Saving the Planet". Global Citizen. Nakuha noong 22 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  11. Victor (2019-12-06). "Nigeria's youth activist Adenike Oladosu joins Greta Thunberg at Climate Change Conference in Madrid". AfricansLive (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-01-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  12. Durojaiye, Seun (2019-12-07). "Nigerian activist Adenike Oladosu joins Greta Thunberg at conference in Madrid". Legit.ng – Nigeria news (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-01-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "22 diverse voices to follow this Earth Day". www.amnesty.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "TheAfricanYouthClimateHub" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2020-01-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin