Adlai
Ang adlai o tigbi (coix lacryma-jobi) na kilala rin bilang job's tears sa wikang Ingles, ay matangkad, namumungang-butil, santauhang tropikal na halaman ng pamilyang Poaceae (pamilya ng damo). Katutubo ito sa Timog-silangang Asya at ipinakilala sa Hilagang Tsina at Indiya noong sinaunang panahon, at sa ibang lugar, nililinang sa mga hardin bilang taunang halaman. Naturalisado na ito sa timog-silangang Estados Unidos at sa tropiko ng Bagong Mundo. Sa katutubong kaligiran nito, itinatanim ito sa mga matataas na lugar kung saan hindi tumutubo nang maayos ang palay at mais.
Adlai | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Monocots |
Klado: | Commelinids |
Orden: | Poales |
Pamilya: | Poaceae |
Subpamilya: | Panicoideae |
Sari: | Coix |
Espesye: | C. lacryma-jobi
|
Pangalang binomial | |
Coix lacryma-jobi L.
| |
Kasingkahulugan [1] | |
|
May dalawang pangunahing baryante ng espesye, isang ligaw at isang nilinang. Ang ligaw na baryante, Coix lacryma-jobi bar. lacryma-jobi, ay may huwad na bunga na may matigas na balat—mga istrakturang napakatigas, parang perlas sa kaputian, at habilog na ginagamit sa paggawa ng rosaryo, kuwintas, at iba pang bagay. Ang nililinang baryante, Coix lacryma-jobi bar. ma-yuen ay inaani bilang pananim na binutil, may malambot na balat, at ginagamit panggamot sa ilang bahagi ng Asya.
Taksonomiya
baguhinIpinangalan ang espesyeng katutubo sa Timog-silangang Asya,[2] ni Carl Linnaeus noong 1753. Ang bansag ay pagsasalin sa Latin ng matalinhagang luha ni Job. Magmula noong 2015[update], apat na baryante ang tinatanggap ng World Checklist of Selected Plant Families:[3]
- Coix lacryma-jobi bar. lacryma-jobi
- Malawak na naipamahagi mula Subkontinenteng Indiyo hanggang tangway ng Malasya at Taiwan; naturalisado sa ibang lugar. Ang bunga nito ay hugis-itlog, mabuto at makintab. Matigas ang balat nito at ginagamit bilang abaloryo sa mga gawang-sining.
- Coix lacryma-jobi bar. ma-yuen (Rom.Caill.) Stapf
- Timog Tsina hanggang tangway ng Malaysia, at Pilipinas.
- Nagmula ang pangalan ng baryante kay Heneral Ma Yuen o Ma Yuan (馬援) na natuto ng paggamit sa halamang ito habang nakaposte siya sa Cochinchina (o Tonkin na bahagi ng Biyetnam ngayon), at idinala niya ang mga binhi sa Tsina upang linangin.[4][5][6] Ang bunga nito ay tambilugin, magitgit, at malambot.
- Coix lacryma-jobi bar. puellarum (Balansa) A.Camus
- Assam hanggang Yunnan (Tsina) at Indotsina. Ito ang pinakamaliit sa mga espesyeng Indiyano, na may binhing may diyametrong 4mm lamang. Ginagamit din itong pampalamuti.
- Coix lacryma-jobi bar. stenocarpa Oliv.
- Silangang Himalayas hanggang Indotsina.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ The Plant List: A Working List of All Plant Species [Ang Talaan ng Halaman: Isang Working List ng Lahat ng Espesye ng Halaman] (sa wikang Ingles), inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2018, nakuha noong 6 Agosto 2017
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Taylor, G.D. (Taglagas 1953). "Some crop distributions by tribes in upland Southeast Asia" [Ilang pamamahagi ng pananim ng mga tribo sa kabundukan sa Timog Silangang Asya]. Southwestern Journal of Anthropology (sa wikang Ingles). University of New Mexico. 9 (3): 296–308. doi:10.1086/soutjanth.9.3.3628701. JSTOR 3628701. S2CID 129989677.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Search for Coix lacryma-jobi" [Paghanap sa Coix lacryma-jobi]. World Checklist of Selected Plant Families (sa wikang Ingles). Royal Botanic Gardens, Kew. Nakuha noong 2015-02-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Simoons (2014), p. 82.
- ↑ Watt (1904), p. 194.
- ↑ Namba, Tsuneo [sa Hapones]; Fukuda (1980). Genshoku wakanyaku zukan 原色和漢薬図鑑 (sa wikang Hapones). Bol. 1. Hoikusha. p. 132.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)