Pagsamba ng mga pastol

(Idinirekta mula sa Adoration of the Shepherds)

Ang Pagsamba ng mga pastol o Adorasyon ng mga pastol ay isang tagpuan sa pagsilang ni Hesus, partikular na sa sining, kung saan naging malapit na mga saksi ang pangkat ng mga pastol (o pastor ng mga tupa[1]) matapos ang pagkakaluwal batang Hesus sa kaniyang pook na pinagsilangan. Karaniwang itong nilalarawan na nasa isang bangan o tambubuong - lugar na pinaglalagakan ng mga hayop sa bukid o pastulan - na malapit sa Belen o Betlehem (binabaybay ding Bet-lehem).

Ang Dibuhong Ang Pagsamba ng mga Pastol ni Rembrandt, c. 1646.

Pinagmulan

baguhin

Ibinatay ito sa paglalahad na nakasulat sa Ebanghelyo ni Lukas (Lukas 2: 8-20[2]) na hindi mababasa sa iba pang mga Ebanghelyo ng Bagong Tipan ng Bibliya. Sa Ebanghelyo ni Lukas, isinasalaysay na nagpakita ang isang anghel sa isang pangkat ng mga pastol at nagbalitang isinilang na si Kristo sa Betlehem. Pagkaraan inilahad pa ni San Lukas na isang hukbo ng mga anghel na nagbubunyi ng mga katagang "Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan at kapayapaan sa lupa sa mga taong kinalulugdan niya." Pagkaraan, nilarawan na nahikayat ang mga pastol na dalawin si Hesus, bago balikan ang kanilang mga kawan. Natagpuan nila ang sanggol na Hesus na "nababalot ng mga lampin at nakahiga sa isang labangan (o sabsaban).[2] Sa kapanahunan ng Bagong Tipan ng Bibliya, itinuturing ng mga tagalunsod ang mga pastol at iba pang mga taumbayan sa kanayunan bilang mga mangmang at mga walang kalantayan o hindi pino. Subalit dahil sa pagdalo nila sa harap ng Banal na Mag-anak pagkaraan ng pagsilang ni Hesus, mas pinarangalan sila ng Diyos kaysa mga makapangyarihan; iniangat ng Diyos ang kanilang kaurian. Ito ang katuparan ng mga kataga sa tinatawag na Magnificat ng Bibliya sa Ebanghelyo ni Lukas (Lukas 1: 46-55)[2]

Impluwensiya

baguhin

Sa sining

baguhin
 
Bersyon ng Ang Pagsamba ng mga Pastol ni Giorgione (c. 1478-1510).

Kalimitang isinasama ang tagpo o eksenang ito sa Pagsamba ng mga Mago, partikular na sa sining ng pagpipinta o pagguhit. Bagaman mayroon ding nakahiwalay o nagsosolo ang paksa. Kabilang sa mga naakit ng paksa ang imahinasyon ng mangguguhit na si Gaetano Gandolfi (1734-1802) at ang pintor na si Giorgione (1476/78-1510).[3] Sa bersyon ni Giorgione, matatagpuan ang Banal na Mag-anak sa loob ng isang yungib na tila mas kaayaaya kaysa isang kamalig baysa o imbakan ng palay na may mga hayop. Ipininta niya ang mga mukha ng mga tauhan na tila ba mga wangis ng mga anghel na nagmumula sa ibang mundo. Malinis ang mga damit ng mga pastol, maging ang mga punit nito. Dahil dito, may epekto ng pagiging marangal ang kaganapan imbis na nagbibigay ng hindi likas na matamis na damdamin o sentimyento.[3]

Sa musika

baguhin

Sa musika, naging bahagi - partikular na sa pambungad - ang mga pangungusap ng pangkat ng mga anghel ng Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan o Luwalhati sa Diyos[4] lamang (katumbas ng Ingles na Gloria in Excelsis Deo), isang doksolohiya (o doxologia[2]) sa mga tradisyonal ng mga Misang Kristiyano. Mayroong isang tradisyonal na awiting pamasko ang mga Pilipino na kaugnay ng tagpuang pagsamba ng mga pastol sa batang Hesus: ang Pastol, Pastol, Gumising[4] na karaniwang inaawit sa mga Simbang Gabi at pagkakaroling. Katumbas ito ng nasa Kastilang Nació, nació, pastores, na nagpapahayag ng diwang "Mga pastol, isinilang na (ang sanggol), isinilang na!"[5]

Naririto ang panitik o liriko ng Pastol, Pastol, Gumising:[4]

Pastol, Pastol, gumising
Halina at dalawin
At ating salubungin
Pagsilang ni Hesus.
Masdan yaong sabsaban,
Dayaming higaan;
Ito ang katibayan
Ng pagibig ng Diyos.
Solo:
Masdan ninyo ang mga mata
Larawan ng pagibig.
Pang-akit Siya ng puso
Ng taong lumilihis.
Koro:
Ang mga labing ngumingiti
Katulad ng isang bulaklak
Na sa ating paghihirap;
Nagbibigay galak. Pastol, Pastol...[4]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Magandang Balita Biblia: May Deuterocanonico. Philippine Bible Society. 2005. ISBN 978-971-29-0916-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Lucas/Luke 2: 8-20, Ang Dating Biblia (1905), ADB.Scripturetext.com
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Abriol, Jose C. (2000). "Kamusmusan ni Hesus, Ang Ebanghelyo ayon kay Lucas, pahina 1513; baybay ng doxologia, pahina 909; Ang Magnificat sa Lukas 1:46-55 ng pahina 1511-1512". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Abriol, Jose C. (2000). "The Adoration of the Shepherds ni Giorgione sa pahina 835; ni Gaetano Gandolfi sa pahina 723". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Luwalhati sa Diyos (ni E.P. Hontiveros, S.J.) at Pastol, Pastol, Gumising (tradisyonal) Naka-arkibo 2009-02-02 sa Wayback Machine., Mga awiting pansimbang gabi at pampasko, Simbanggabinyc.com
  5. Nació, nació, pastores (Traditional)[patay na link], Free Choral Music Sheet, CPDL.org, ChoralWiki.net

Mga kawing panlabas

baguhin