Agapornis

(Idinirekta mula sa African lovebird)

Ang African lovebird o lovebird ay ang pangkaraniwang pangalan ng Agapornis (Griyego: αγάπη agape 'pag-ibig'; όρνις ornis 'ibon'), isang maliit na genus ng loro. Taal sa kontinente ng Africa ang walong species nito, samantalang ang Madagascar lovebird naman ay taal sa Madagascar.

Lovebird
Pares ng peach-faced lovebird
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Orden: Psittaciformes
Pamilya: Psittaculidae
Subpamilya: Agapornithinae
Sari: Agapornis
Selby, 1836
Species

Siyam - tingnan ang artikulo

Nakuha ng African lovebird ang pangalan nito sa katangian nitong maging masalamuha, magiliw, at monogamo sa kanilang kapares na mapapansing kanilang laging katabi. Naninirahan ang mga ito sa maliliit na pangkat at kumakain ng mga bunga, gulay, damo, at mga butil ang mga African lovebird. Ang Abyssinian lovebird naman ay kumakain ng mga kulisap at igos, samantalang ang Swindern's lovebird ay nangangailangan ng lokál na igos, kung kaya ito'y mahirap gawíng alagaín.

Ang ilang species ay popular bilang alagang hayoppeach-faced lovebird, black-masked lovebird, fischer's lovebird, black-cheeked lovebird. Sa pag-iibon, ang mga ito'y nagbubunga ng iba't ibang kulay sa pamamagitan ng pilíng pagpapalahi. Ang karaniwang tumatagal ang búhay ng lovebird mula 10 hanggang 15 taon.[1]

Species

baguhin
Species (wild-types)
Karaniwang pangalan Pangalang binomial Larawan Likás na Katangian Kinatatagpuan
Fischer's lovebird Agapornis fischeri
 
14 cm (5.5 in) ang laki. Halos luntian lahat, kahel ang itaas ng katawan at ulo, asul ang bandang ibaba ng likod at pigî, pula ang tuka, may puti sa paligid ng mata.
 

Timog at timog silangan ng Lawa ng Victoria sa hilagang Tanzania.

Black-masked lovebird o
Personata
Agapornis personatus
 
14 cm (5.5 in) ang laki. Itim ang buong ulo, dilaw at luntian ang katawan, may asul na balahibo sa may buntot, pula ang tuka, may puti sa paligid ng mata
 
Hilagang silangang Tanzania

Hilagang silangang Tanzania

Mga sanggunian

baguhin
  1. Alderton, David (2003). The Ultimate Encyclopedia of Caged and Aviary Birds. London, England: Hermes House. pp. 216–219. ISBN 1-84309-164-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.