Panahon ng Kaliwanagan
Kilusang pangkalinangan sa Europa noong ika-17 at ika-18 dantaon
(Idinirekta mula sa Age of Enlightenment)
Ang Panahon ng Kaliwanagan o Panahon ng Pagkamulat, Ang Paliwanag, o Ang Ilustrasyon (Ingles: Age of Enlightenment, Kastila: Ilustración) ay isang katawagan na ginagamit upang ilarawan ang panahon sa Kanluraning pilosopiya at buhay pang-kultura na nakasentro noong ika-18 siglo, kung saan sinusulong ang katuwiran bilang ang pangunahing pinagmulan at pagkalehitimo ng may kapangyarihan.[1]
Sumusulong na tuloy-tuloy sa Alemanya, Pransiya Britanya, ang Olanda, Italya, Espanya, at Portugal, lumaganap ang kilusan sa karamihan sa Europa, kabilang ang Komonwelt ng Polako-Lituano, Rusya at Eskandinabya at gayon din ang Amerika.
Talababa
baguhin- ↑ Inaangkin ni John Locke sa kanyang aklat, The Second Treatise of Government (Ang Ikalawang Kasunduan ng Pamahalaan), na pinagkalooban ang tao ng katuwiran at kung gayon ay may karapatan na magpasya ng uri ng pamahalaan na dapat siyang sumasailalim, habang inaangkin naman ni Jean Jacques Rousseau na ang katuwiran ang nagbunga sa tao na tumaliwas mula sa katayuan ng pagiging masaya at lubos na kaligayahan na pinangunahan niya sa ilalim ng kanyang kalikasan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.