Agham pampolitika

(Idinirekta mula sa Agham na pampolitika)

Ang agham pampolitika o dalubbanwahan (Aleman: politikwissenschaft, Kastila, Portuges: ciencia politica, Ingles: political science) ay isang disiplina ng agham panlipunan tungkol sa pag-aaral sa politika, sa pag-aaral ng estado, nasyon, pamahalaan, politika at patakaran ng pamahalaan. Binigyan ito ng kahulugan ng Aristoteles bilang ang pag-aaral ng estado.[1] Kasangkot nito ang pag-aaral sa kayarian at proseso sa pamahalaan - o anumang kaparehong sistema na sinusubukang tiyakin ang katiwasayan, di pagkiling, at ang pagsasara sa kabila ng isang malawak na sakop ng mga panganib at pagpasok sa isang malawak na sakop ng mga karaniwan para sa kanilang mga nasasakupan. Bilang isang resulta, maaaring pag-aralan ng mga siyentipikong pampolitika ang institusyong lipunan katulad ng korporasyon, unyon, simbahan, o ibang mga organisasyon na malapit sa kayarian at proseso ng pamahalaan sa pagkasalimuot at interkoneksiyon.

Unang binansagan ni Herbert Baxter Adams, isang propesor sa kasaysayan sa Pamantasan ng John Hopkins, noong 1880 ang salitang "agham pampolitika".

Ang agham pampolitika ay madalas hinahati-hati sa mga natatanging sub-disiplina na ang lahat ng mga ito ay bumubuo ng disiplina:

Ang teoriyang pampolitika ay lalong nangangasiw sa mga klasikong palaisip gaya nina Aristoteles, Niccolò Machiavelli, Cicero, Platon, at iba pa. Ang politikang paghahambing ay ang agham ng paghahambing at pagtuturo ng iba-ibang uri ng mga saligang batas, kalahok sa politika, lehislatibo at mga katuwang na disiplina, lahat sila mula sa pananaw sa loob ng estado. Isa sa mga pinakapopular na pagaaral ng Agham Pampolitka ay ang Araling Pangmundo. Ito din ay puedeng tawagin na Relasyon Pang-Internasyonal o Pampolitikang Pangmundo. Ito ang pakikipagtalastasan sa mga ugnayan sa pagitan ng mga nasyon-estado pati na rin ang mga samahang intergovernmental at transnasyonal.

Kasaysayan ng agham pampolitika

baguhin

Nahuli mang makilala ang agham pampulitika bilang hiwalay na larangan sa disiplina ng agham panlipunan, ang pagsusuri ng kapangyarihang pampulitika at ng mga epekto nito sa kasaysayan ay nagaganap na sa loob ng maraming siglo. Sa kabila nito, mapapansin na ang terminong “agham pampulitika” ay madalas na nasasangkot at napagpapalit sa pag-aaral ng “pilosopiyang pampulitika”. Malinaw rin na maraming disiplina ang nauna sa modernong pag-aaral na ito. Kabilang dito ang disiplina ng moral na pilosopiya, ekonomiyang pampulitika, teolohiyang pampulitika, kasaysayan, at iba pang pag-aaral na may kinalaman sa normatibong pagpapasya ng nararapat (o ang sinaunang ideya ni Plato ng what ought to be) at pagsisiyasat ng mga katangian at tungkulin ng isang ideyal na estado. Ang kabuuang saklaw ng agham pampulitika ay nagaganap sa buong mundo sa ilang partikular na disiplina, ngunit maaari ring may kakulangan pa sa ibang partikular na aspeto ng termino.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Oxford Dictionary of Politics: political science