Agham na panghayop
Ang agham na panghayop (Ingles: animal science) ay ang pag-aaral ng biyolohiya ng mga hayop na nasa ilalim ng pagtaban ng mga tao.[1] Batay sa kasaysayan, ang mga hayop na pinag-aralan ay mga hayop na pambukid, kabilang na ang buhay na mga hayop na gagamiting pagkain at mga kabayo, subalit ang mga kurso makukuha sa mga paaralan sa kasalukuyan ay tumitingin sa isang mas malawak na kasaklawan upang maisama ang mga hayop na kinakapiling o pinangangalagaan, halimbawa na ang mga aso, mga pusa at mga espesyeng eksotiko. Ang mga degri sa agham na panghayop ay inaalok sa isang bilang ng mga dalubhasaan at mga pamantasan katulad ng Pamantasan ng Cornell, UC Davis at ang Pamantasan ng Minnesota sa Estados Unidos. Sa UC Davis, ang kurikulum ng agham na panghayop ay hindi lamang nagbibigay ng isang malakas na panglikurang kaalaman na pang-agham, ngunit pati na karanasang tuwiran na nakakasalamuha ang mga hayop.[2] Ang edukasyong propesyunal sa agham na panghayop ay naghahanda ng mga estudyante para sa mga pagkakataon na pangkarera sa mga larangan na katulad ng pag-aanak, produksiyon, nutrisyon, agrinegosyong panghayop, ugali at kapakanan, at biyoteknolohiya. Ang mga kurso sa programang ito ay maaaring magsama ng henetika, mikrobiyolohiya, ugali ng hayop at pamamahala, nutrisyon, pisyolohiya at reproduksiyon. Inaalok din ang mga kurso sa mga larangang pangsuporta na katulad ng henetika, mga lupa, ekonomiks at pagmemerkadong pang-agrikultura, mga aspetong pambatas at ang kapaligiran. Ang lahat ng mga kursong ito ay mahahalaga sa pagpasok sa isang opisyo ng agham na panghayop.
Sa maraming mga unibersidad, isang degri ng Batsilyer ng Agham (Bachelor of Science o BS degree sa Animal Science) ang nagsasangkot ng isang opsiyon na pagbibigay ng diin sa Medisinang Prebeterinaryo. Sa Pamantasan ng Minnesota, ang kariinan sa prebeterinaryo (bago ang pagiging beterinaryo) ay nagbibigay ng isang malalim na batayang kaalaman ng mga agham na pambiyolohiya at pisikal na kasama ang nutrisyon, reproduksiyon, pisyolohiya at henetika. Ang mapipiling ito ay naghahanda ng mga estudyante para sa mga pag-aaral pagkaraang magtapos sa pag-aaral (graduate studies) sa agham na panghayop, paaralang pambeterinaryo, at mga industriyang parmasyutikal o agham na panghayop.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Animal Science". University of Reading. Nakuha noong 2009-04-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Department of Animal Science". University California, Davis. Nakuha noong 2011-10-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Department of Animal Science". University of Minnesota. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-07. Nakuha noong 2011-10-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.