Agnez Mo

mang-aawit at artist

Si Agnes Monica Muljoto (ipinanganak 1 Hulyo 1986), mas kilala sa kanyang stage name na Agnez Mo, ay isang mang-aawit at artistang Indonesian. Ipinganganak siya sa Jakarta. Nangsimula ang kanyang karera sa industriya ng entertainment sa gulang na anim bilang batang mang-aawit. Napakag-record siya ng tatlong pambatang album at naging presenter ng ilang pambatang programa sa telebisyon. Noong 2003, lumabas ang kanyang unang album bilang may-gulang na pinamagatang And the Story Goes. Ito ang nagpanumbalik ng kanyang pangalan sa industriya ng musika sa Indonesia. Ang tagumpay ni Mo sa kanyang inang-bayan ang naghimok sa kanya upang magsimula ng karera sa international music scene. Ang kanyang ikalawang album na lumabas noong 2005 na pinamagatang Whaddup A.. '?! ay isang kolaborasyon kasama ng Amerikanong mang-aawit na si Keith Martin. Kasama rin si Mo sa dalawang drama seryeng Taiwanese, ang The Hospital at Romance In The White House.

Agnez Mo
Photograph of Agnez Mo
Agnez Mo on the red carpet 2009 Asia Song Festival in Seoul, South Korea.
Kapanganakan
Agnes Monica Muljoto

(1986-07-01) 1 Hulyo 1986 (edad 38)
NasyonalidadIndonesian
Trabaho
  • mang-aawit
  • songwriter
  • producer
  • aktres
  • dancer
  • fashion designer
Aktibong taon1992–kasalukuyan
MagulangRicky Muljoto
Jenny Siswono
Kamag-anak
  • Steve Muljoto (kapatid)
  • Chloe Xaviera (pamangkin)
Karera sa musika
Genre
Instrumento
Label
Websiteagnezmo.com

Nanalo si Mo ng award sa magakasunod na taon para sa kanyang pagganap sa Asia Song Festival sa Seoul, Timog Korea, noong 2008 at 2009. Sa kanyang pangatlong album, pinamagatang Sacredly Agnezious (2009), nagsimula na rin siyang maging producer at magsulat (songwriter). Noong 2010, siya ay naging hurado sa talent show na Indonesian Idol. Pumirma siya ng isang recording deal sa The Cherry Party, isang label na kasosyo ng Sony Music Entertainment. Nagpalabas rin si Mo ng dalawang international single, "Coke Bottle" (featuring Timbaland and T.I.) at "Boy Magnet".

Nakatapaggap rin si Mo ng maraming parangal sa Indonesia bilang isang mang-aawit. Kabilang dito ang 17 Anugerah Musik Indonesia, 8 Panasonic Awards, 5 Nickelodeon Indonesia Kids' Choice Awards, at 4 MTV Indonesia Awards. Nakatanggap rin siya ng Best Asian Artist Award sa 2012 Mnet Asian Music Awards sa Timong Korea. Bilang karagdagan, siya ay pinagkatiwalaan bilang ambassador kontra-droga sa Asya at ambassador ng MTV EXIT laban sa human trafficking.