Si Agostino Andrea Chigi (29 Nobyembre 1466[1] - Abril 11, 1520) ay isang Italyanong bangkero at patron ng Renasimiyento.

Agostino Chigi
Barya na may imahen ni Agostino Chigi
Kapanganakan
Agostino Andrea Chigi

Nobyembre 29, 1466
Kamatayan11 Abril 1520(1520-04-11) (edad 53)
TrabahoBangkero, negosyante, at may-ari ng mga barko
Magulang
  • Mariano Chigi (tatay)

Ipinanganak sa Siena, siya ay anak ng kilalang bangkerong si Mariano Chigi, isang miyembro ng sinaunang at bantog na pamilya Chigi.[2] Lumipat siya sa Roma bandang 1487, nakikipagtulungan sa kaniyang ama. Ang tagapagmana ng isang mayamang pondo ng kapital, at napayaman pa pagkatapos ng pagpapautang ng malaking halaga ng pera kay Papa Alejandro VI (at sa iba pang mga pinuno ng panahong iyon), lumayo siya mula sa karaniwang kasanayan sa merkantilismo sa pamamagitan ng pagkuha ng kapakipakinabang na mga monopolyo tulad ng monopolyo sa asin ng mga Estado ng Simbahan at ang Kaharian ng Napoles, pati na rin ang tawas nahukay sa Tolfa,[3] Agnato, at Ischia di Castro. Ang tawas ay isang mahalagang pandikit sa industriya ng tela.

Mga sanggunian

baguhin
  1. The archival record is presented in Ingrid. D. Rowland, "The Birth Date of Agostino Chigi: Documentary Proof" Journal of the Warburg and Courtauld Institutes 47 (1984:192-193).
  2. The Chigi-Albani.
  3. Chigi obtained the lease to the papal alum mines at Tolfa in 1501. (Rowland 1986:678).
baguhin