Ang Tawas, na kilala sa Ingles bilang Alum, ay isang tiyak na kumpuwestong kimikal at isang klase ng mga kumpuwestong kimikal. Ang tiyak na kumpuwesto ay ang tinubigang sulfate ng potasyum at aluminyo (potassium alum) na may pormulang kimikal na KAl(SO4)2·12H2O. Ang mas malawak na klase ng mga kumpuwestong nakikilala bilang mga tawas o mga alum ay may kaugnay na pormulang empirikal na AB(SO4)2·12H2O.

Hindi pa nadudurog na tawas.

Bilang gamot

baguhin

Ang tawas ay isang substansiyang kristalina na mahalaga sa larangan ng medisina dahil isa itong astringent. Bilang astringhente, ginagamit ito bilang pangmumog sa kaso ng masakit na lalamunan. Ang lakas nito bilang pangmumog ay katulad ng malalatag sa 10 sentimo ng Estados Unidos (dime, bigkas: /daym/, 10 cents) na tutumbasan ng dalawang kutsara ng mainit na tubig.[1]

Ang glycerin ng tawas ay maaaring ipahid sa ibabaw ng namamagang mga tonsil o sa ibabaw ng likdo ng lalamunan, subalit ang bibig ay dapat na banlawan kaagad, dahil sa ang tawas ay maaaring makapinsala sa mga ngipin. Ang pinulbos na tawas ay madalas na nakakapagpaampat (nakapagpapatigil) ng pagdurugo, katulad ng mula sa mga sugat dahil sa pag-ahit o mula sa mga gilagid o ilong.[1]

Ang tawas ay mabilis at tiyak nakakapagsanhi ng pagsusuka kapag ibinigay nang marami, katulad ng isang kutsara ng pinulbos na tawas na nasa tubig o sirup bawat labinlimang minuto ng isang oras. Isa ito sa ilang mga gamot na nagpapasuka na hindi nakapagdurulot ng depresyon, kaya't mahalaga ito sa paggagamot ng mga bata. Dahil dito, at dahil madaling makakuha nito, ang tawas ay ginagamit ding panlaban sa pagkakalason.[1]

Ang isang losyon o pamahid na binubuo ng isang kutsarita ng tawas na tinunaw sa isang pint ng mainit na tubig ay maaaring iiniksiyon sa leucorrhea (na tinatawag ding "whites" o "mga puti" sa Ingles).[1]

Opisyal na ginagamit bilang gamot ang tawas at ang Exsiccated Alum (tuyong tawas, sinunog na tawas).[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Alum". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 20.