Ang Akihabara (Hapones: 秋葉原) ay isang kapitbahayan sa Chiyoda ng Tokyo, Hapon, na karaniwang itinuturing na lugar na nakapalibot sa Estasyon ng Akihabara (tinaguriang Akihabara Electric Town). Bahagi ang pook na ito ng mga distritong Sotokanda (外神田) at Kanda-Sakumachō ng Chiyoda. May administratibong distrito na tinatawag na Akihabara (bahagi ng Taitō), na matatagpuan sa hilaga ng Akihabara Electric Town na nakapalibot sa Liwasang Neribei ng Akihabara.

Akihabara

秋葉原
Urbanong lugar
Akihabara noong 2023
Akihabara noong 2023
Palayaw: 
Akihabara Electric Town, Ang Kabisera ng Otaku sa Mundo, Lungsod ng Anime
Mga koordinado: 35°41′54″N 139°46′23″E / 35.69833°N 139.77306°E / 35.69833; 139.77306
Bansa Hapon
Lungsod Tokyo
BaryoChiyoda

Isang pagpapaikli ang pangalang Akihabara ng Akibagahara (秋葉ヶ原), na nagmula sa Akiba (秋葉) , na ipinangalan sa isang diyos na may kapangyarihan sa apoy ng isang dambanang nakalaan sa paglalaban sa sunog na itinayo pagkatapos na matupok ng apoy ang lugar noong 1869.[1] Natamo ng Akihabara ang bansag na Akihabara Electric Town (秋葉原電気街, Akihabara Denki Gai, lit. na 'Akihabara Bayang Elektriko') di-matagal pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa pagiging isang pangunahing pinagsasyapingan ng mga elektronikong panindang pambahay at pamilihang itim pagkatapos ng giyera.[2][3]

Itinuturing ng marami ang Akihabara bilang sentro ng kulturang otaku ng mga Hapones, at isa itong pangunahing distrito sa pamimili ng mga larong bidyo, anime, manga, elektronika at mga produktong may kinalaman sa kompyuter. Kitang-kita ang mga ikono mula sa sikat na anime at manga sa mga tindahan sa lugar, at kalat-kalat ang mga maid café at arkada sa buong distrito.

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang pinakalugar ng Akihabara sa isang kalsada sa kanluran ng Estasyon ng Akihabara.[2] May administratibong distrito na tinatawag na Akihabara sa hilaga ng Akihabara Electric Town na nakapalibot sa Liwasang Neribei ng Akihabara. Bahagi itong distrito ng baryong Taitō.

Kasaysayan

baguhin
 
Akihabara noong 1976

Dati, malapit ang Akihabara sa isang pintuang-daan ng lungsod ng Edo at nagsilbing daanan sa pagitan ng lungsod at hilagang-kanluran ng Hapon. Dahil dito, naging tahanan ang rehiyon ng maraming artesano at mangangalakal, pati ilang mababang-antas na mga samurai. Noong 1869, natupok ang lugar dahil sa isa sa madadalas na sunog sa Tokyo, at nagpasya ang mga tao na palitan ang mga gusali sa lugar ng isang dambana na tinatawag na Chinkasha (kilala ngayon bilang Dambanang Akiba 秋葉神社 Akiba Jinja, lit. na  'dambana ng pamatay-apoy'), sa pagtatangkang pigilan ang pagkalat ng mga apoy sa hinaharap. Binansagan ng mga tagaroon ang dambana ng pangalang Akiba na hinango sa diyos na may kapangyarihan sa apoy, at nakilala bilang Akibagahara ang lugar sa paligid nito, na naging Akihabara sa paglipas ng panahon.[1][2] Pagkatapos maitayo ang Estasyon ng Akihabara noong 1888, inilipat ang dambana sa baryong Taitō, kung saan ito nakapuwesto ngayon.[4][5][6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Cybriw sa Akihabarasky, Roman. Historical dictionary of Tokyo [Diksiyonaryong makasaysayan ng Tokyo] (sa wikang Ingles). Scarecrow Press, 2011.
  2. 2.0 2.1 2.2 Nobuoka, Jakob. User innovation and creative consumption in Japanese culture industries: The case of Akihabara, Tokyo [Inobasyon ng tagagamit at malikhaing pagkonsumo sa mga industriya ng kulturang Hapones: Ang kaso ng Akihabara, Tokyo]. Geografiska Annaler: Series B, Human Geography 92.3 (2010): 205–218.
  3. Yamada, Kazuhito. Entrepreneurship in Akihabara [Pagnenegosyo sa Akihabara].
  4. "Tokyo Akihabara "Must See" Top Five" [Tokyo Akihabara Unang Limang "Dapat Makita"]. HuffPost (sa wikang Ingles). 6 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "秋葉神社(台東区松が谷)". 22 Mayo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "秋葉神社の概要".