Akihabara Radio Kaikan

Ang Akihabara Radio Kaikan (秋葉原ラジオ会館, Akihabara Rajio Kaikan) ay isang gusaling pangkomersyal sa Tokyo at isa sa mga mas-kilalang tanawain sa distrito ng Akihabara. Ang pinakabagong gusali ay itinayo noong 2014, pagkatapos gibain ang lumang gusali noong 2011. Ang gusali ay may taas ng 46.5 m, sampung palapag mula sa unang palapag at may dalawang lebel para sa basement.[1][2][3] Ang kasalukuyang gusali ay pinamamahayan ng mga tindahan na pangunahing nagbebenta ng mga produktong pang-otaku.[2]

Akihabara Radio Kaikan
秋葉原ラジオ会館
Akihabara Radio Kaikan noong Hulyo 2014
Map
Pangkalahatang impormasyon
KatayuanTapos
UriGusaling Pangkomersyal
KinaroroonanChiyoda, Tokyo, Hapon
Mga koordinado35°41′52″N 139°46′18″E / 35.69778°N 139.77167°E / 35.69778; 139.77167
NataposNobyembre 1962 (lumang gusali)
Bukasan20 Hulyo 2014 (2014-07-20) (bagong gusali)
May-ariAkihabara Radiokaikan Co.,Ltd
Taas
Bubungan46.5 m (153 tal)
Teknikal na mga detalye
Bilang ng palapag10
Websayt
akihabara-radiokaikan.co.jp
Ang lumang gusali noong Marso 2010.

Ang lumang walong-palapag na gusali ay itinayo noong Nobyembre 1962 at naging unang high rise building sa Akihabara.[4] Ang gusali ay naging tahanan ng mga tindahang pang-elektroniko na nagbebenta ng mga parte at component. Pagkatapos maitatag ng kulurang otaku ang sarili nito sa Akihabara, ang mga tindahang pang-otaku ay lumipat sa Radio Kaikan.[2]

Noong 2010, ihinayag ang pagkabahala ukol sa katibayang pangistruktura ng lumang Radio Kaikan dahil sa edad ng gusali. Ang gusali ay ipinasara noong Agosto 2011 para sa paggigiba nito at isang bagong gusali ay itinayo sa lugar nito.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Akihabara Radio Kaikan is Finally Reopening on July 20". Tokyo Otaku Mode. 16 Mayo 2014. Nakuha noong 10 Marso 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "The Face of Akihabara Has Returned! Radio Kaikan Grand Opening!". Tokyo Otaku Mode. 23 Hunyo 2014. Nakuha noong 10 Marso 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "ANIME NEWS: New modern Akihabara Radio Kaikan set to open doors in July". The Asahi Shimbun. 2 Hunyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-02. Nakuha noong 10 Marso 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Akihabara Radio Kaikan - Gallery". Akihabara Radio Kaikan (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-14. Nakuha noong 10 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)