Aklatang Nag Hammadi

Ang Aklatang Nag Hammadi[1] ay isang kalipunan ng mga sinaunang Kristiyanong tekstong Gnostiko na natuklasan sa Nag Hammadi, Ehipto noong 1945. Labindalawang nakabigkis sa balat na papyrus codex na nakabaon sa isang banga ay natagpuan ng isang lokal na magsasakang si Mohammed Ali Samman.[2][3] Ang mga kasulatang nakapaloob sa mga codex na ito ay binubuo ng 52 na halos mga treatise na Gnostiko ngunit ito ay kinabibilangan rin ng tatlong mga akdang kasama sa Corpus Hermeticum at isang parsiyal na salin/pagbabago ng Republic ni Plato. Sa kanyang "Introduction" to The Nag Hammadi Library in English, iminungkahi ni James Robinson na ang mga codex na ito ay maaaring kabilang sa isang malapit na monasteryong Pachomian at ibinaon/inilibing pagkatapos kondenahin ng obispong si Athanasius ang mga hindi-kanonikal na aklat sa kanyang Liham na Festal noong 367 CE.

Ang mga nilalaman ng mga codex na ito ay isinulat sa wikang Coptic bagaman ang mga akda ay malamang lahat mga salin mula sa wikang Griyego.[4] Ang pinakakilala sa mga teksto nito ang Ebanghelyo ni Tomas kung saan sa codex na ito ang tanging naglalaman ng kumpletong teksto. Pagkatapos ng pagkakatuklas nito, nakilala na ang mga pragmento ng kasabihang itinuro kay Hesus ay lumitaw sa mga manuskritong natuklasan sa Oxyrhynchus noong 1898 (P. Oxy. 1) at ang mga tumutugmang sipi ay nakilala sa iba pang mga sinaunang sangguniang Kristiyano. Kalaunan, ang isang ika-1 o ika-2 siglo CE petsang pagkakaliha circa 80 AD ay iminungkahi para sa mga nawalang orihinal na Griyego ng Ebanghelyo ni Tomas. Ang mga nakabaong manuskrito mismo ay pinetsahan mula sa ika-3 at ika-4 siglo CE. Ang mga codex na ito ay nakalagak sa Coptic Museum sa Cairo, Ehipto.

Kumpletong talaan ng mga codex na natagpuan sa Nag Hammadi

baguhin

Ang tinatawag na "Codex XIII" ay sa katotohanan hindi isang codex ngunit bagkus ay teksto ng Trimorphic Protennoia, na nakasulat sa "walong mga dahon na inalis mula sa isang ika-12 aklat noong huli nang sinaunang panahon at isinukbit sa loob ng harapang pahin ng ikaanim." (Robinson, NHLE, p. 10) Ang tanging ilang mga linya mula sa simula ng Pinagmulan ng Mundo ay matutukoy sa ilalim ng ikawalong dahon.

Sanggunian

baguhin
  1. Sometimes popularly known as the Gnostic Gospels after Elaine Pagels' 1979 book of the same name, but the term has a wider meaning.
  2. "The Nag Hammadi Library: The Minor History Behind a Major Discovery". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-04. Nakuha noong 2012-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-09-04 sa Wayback Machine.
  3. Marvin Meyer and James M. Robinson, Nag Hammadi Scriptures, The: The International Edition. HarperOne, 2007. pp 2-3. ISBN 0-06-052378-6
  4. Robinson, James M., The Nag Hammadi Library, HarperCollins, 1988, p.2

[[en:Nag Hammadi library]