Ako ang Huhusga
Ang Ako ang Huhusga (Kapag Puno Na ang salop part II) (Ingles: I Shall Judge (If the Ganta is Full Part II)) ay isang pelikulang aksiyon sa Pilipinas noong 1989, na pinalabas sa takilya ng Bonanza Films at Viva Films sa ilalim ng direksiyon ni Fernando Poe, Jr.
Ako ang Huhusga (Kapag Puno Na Ang Salop Part II) | |
---|---|
Direktor | Fernando Poe, Jr. |
Prinodyus | William Lao, Jr. |
Sumulat | Fred Navarro (Kuwento) Amando Lacuesta at Jose Bartolome (Mga Tabing Palabas) Joe Baltazar (Mannunulat) |
Itinatampok sina | Fernando Poe, Jr. Eddie Garcia Monica Herrera Maila Gumila Paquito Diaz |
Musika | Jaime Fabregas |
Tagapamahagi | Bonanza Films VIVA Films |
Inilabas noong | 29 Hunyo 1989 |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Pilipino Tagalog Ingles |
Kabuoan
baguhinSi Hukom Valderama (ginagampanan ni Eddie Garcia), bagaman may maharlika at marangal na titulo sa lipunan, ay binabalot ng mga gawaing labag sa batas at katwiran. Natatakot siyang madamay at mapabalitang gumagawa ng mga gawaing ito. Subalit mapanindigang pinuno ng mga pulis si Tenyente Guerrero (ginagampanan ni Fernando Poe, Jr.) na matapang sa paghuhusto ng mga kamalian, lalo na dahil sa kaniyang hindi makatarungang pagkakabilanggo. Walang ibig sumaksi laban sa masamang hukom. Nagharap sa isang labanang personal si Hukom Valderama at Tenyente Guerrero.
Mga tauhan
baguhin- Fernando Poe, Jr. - Guerrero
- Eddie Garcia - Hukom Valderama
- Monica Herrera -
- Maila Gumila -
- Paquito Diaz -
- Dencio Padilla -
- Philip Gamboa -
- Ernie Zarate -
- Vic Varrion -
- Rene Hawkins -
- Fernando Fernandez -
- Lovella De Cordova -
- Belo Borja -
- Eddie Tuazon -
- Mario Escudero -
- Madelyn Mercado -
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.