Aktuwador
Ang aktuwador (sa Ingles: actuator ay isang uri ng motor na responsable sa pagpapagalaw o pagkokontrol ng isang mekanismo o sistema.
Ito ay ipinapaandar ng isang mapagmumulan ng enerhiya, kadalasan ay kuryente, hydrolikong presyon, o presyong pneumatic, at ginagawang mosyon ang nasabing lakas.
Ang aktuwador ay ang mismong mekanismo kung alin ang isang pangkontrol na sistema ay kumikilos upang mamahala sa isang kapaligiran. Ang pang-kontrol na sistema ay maaaring payak (isang nakapanatili na mekanikal o de-kuryenteng sistema), software-based (halimbawa: printer driver, robot, control system), isang tao, o anumang input o pinapasok.