Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines
Ang Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (dinadaglat bilang AAIIBP), kilala rin bilang Al-Amanah Islamic Bank, ay ang kauna-unahang bangkong Islamiko sa Pilipinas. Itinatag ito noong 1973 sa bisa ng Atas ng Pangulo Blg. 264, na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, at kasalukuyang isa itong subsidiyaryo ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas (DBP).
Uri | Subsidiyaryo |
---|---|
Industriya | Pananalapi at Seguro |
Itinatag | Maynila, Pilipinas (1973) |
Punong-tanggapan | Lungsod ng Zamboanga, Pilipinas |
Pangunahing tauhan | Armando O. Samia, Tagapangulo at Punong Tagapagpaganap |
Produkto | Serbisyong pananalapi |
Dami ng empleyado | 'di-matukoy |
Magulang | Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas (DBP) |
Website | www.al-amanahbank.com.ph |