Al-Fath
Ang Al-Fath (Arabe: الفتح, al-fatḥ; kahulugan: "Tagumpay" , "Pagwawagi") ay ang ika-48 kabanata (surah) ng Qur'an na may 29 na talata (ayat). Naihayag ang Madinah sa ikaanim na taon ng Hijrah, sa okasyon ng Tratado ng Hudaybiyyah sa pagitan ng lungsod-estadong-Muslim ng Madinah at mga politeistang Makkan. Binabanggit nito ang tagumpay, pagkatapos pinupulaan ang pag-uugali ng mga mapagpaimbabaw na nagpatuloy ng may karagdagang pangako sa mga Muslim, at nagtapos sa pagbanggit ng ilang mahahalagang kabutihan ng pamayanang Muslim.[2]
الفتح Al-Fatḥ Ang Malinaw na Tagumpay o Pangingibabaw[1] | |
---|---|
Klasipikasyon | Madani |
Posisyon | Juzʼ 26 |
Blg. ng Ruku | 4 |
Blg. ng talata | 29 |
Nakuha ng kabanata ang pangalan nito mula sa pambungad na talata, na nagsasabing "Katiyakan, ipinagkaloob Namin sa iyo...ang malinaw na tagumpay..." na direktang tinutukoy ang Tratado na pinirmahan sa pamamagitan ng kooperasyon sa pagitan ng mga sumasalungat na puwersa at walang pagdanak ng dugo. Ito ang dahilan kung bakit ang tratado, at ang kabanata, ay tinatawag na isang "malinaw na tagumpay" na malawak na pinaniniwalaan dahil sa mapayapang kalikasan nito.
Buod
baguhin- 1-3 Ang tagumpay (sa Ḳhaibar), ang taimtim ng kapatawaran ng mga kasalanan ng Propeta
- 4-7 Ang makapangyarihang Diyos, ang taga-aliw ng mga totoong naniniwala, subalit nagpaparusa sa mga mapagpaimbabaw
- 8-10 Ang katapatan kay Muhammad ay katapatan sa Diyos
- 11-14 Tinuligsa ang mga Beduinong Arabe para sa kanilang pagtataksil sa Hudaibiyah at ang kanilang kasunod na pagkukunwari
- 15-16 Ang pagtanggi ng Beduinong Arabe sa isang bahagi ng nadambong na kinuha sa Ḳhaibar, ngunit hinimok na may pangako
- 17 Hindi pinapunta ang mga nag-iisa sa digmaan na walang kakayahan
- 18-19 Ginantimpalaan ang katapatang Muslim sa Hudaibiyah sa pamamagitan ng tagumpay sa Ḳhaibar at maraming samsam na kinuha doon
- 20-24 Sinuguro ang maraming samsam sa mga naniniwala, bagaman, pinigil ng Diyos ang pagdarambong ng Makkah
- 25-26 Pinatawad ng Dioys ang Makkah sa ekspedisyon sa Hudaibiyah dahil sa awa
- 27-29 Ang pagsakop ng Makkah, ang banal na pagpapatunay sa pagka-apostol ni Muhammad at ang relihiyon ng Islam [3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ünal, Ali. (2008). The Qurʼan with annotated interpretation in modern English (sa wikang Ingles). Somerset, N.J.: Tughra Books. pp. 1038. ISBN 978-1-59784-144-3. OCLC 234244740.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wherry, Elwood Morris (1896). A Complete Index to Sale's Text, Preliminary Discourse, and Notes (sa wikang Ingles). London: Kegan Paul, Trench, Trubner, and Co.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.