Alemanni

(Idinirekta mula sa Alamanni)

Ang Alemanni (binabaybay din bilang Alamanni, Alamani)[1]) ay isang kumpederasyon ng mga tribong Hermaniko na Suebiano na nasa may ilog ng pang-itaas na Rhine. Una silang nabanggit ng mga Romano noong 213, nang masakop ng Alemanni ang Agri Decumates noong 260, at pagdaka ay umabot sa pangkasalukuyang Alsace, at hilagang Switzerland, na naglunsad ng wikang Aleman sa mga rehiyong iyon. Noong 496, ang Alemanni ay nasakop ng pinunong Prankong si Clovis I at naisanib sa kaniyang mga nasasakupan. Ang pamana ng Alemanni ay umiiral sa mga pangalan ng Alemanya sa ilang mga wika.

Pangalan

baguhin

Ayon kay Asinius Quadratus (binanggit noong kalagitnaan ng ika-6 na daantaon ng Bisantinong manunulat ng kasaysayan na si Agathias), ang kanilang pangalan ay may kahulugang "lahat ng mga tao". Nagpapahiwatig ito sila ay isang konglomerasyon (kalipunan ng iba at ibang uri ng mga tao) na tinipon magmula sa sari-saring mga tribong Hermaniko. Isa itong paghango mula sa Alemanni na ginamit ni Edward Gibbon, na nasa kaniyang Decline and Fall of the Roman Empire (Ang Paghina at Pagbagsak ng Imperyong Romano)[2] at ng isang tagapag-ambag ng mga tala na hindi nakikilala ang pangalan; ang mga tala ay tinipon magmula sa mga sulatin ni Nicolas Fréret, na nalathala noong 1753, na nagtala na ito ang pangalang ginagamit ng mga tagalabas para sa mga tumatawag sa kanilang mga sarili bilang Suevi.[3] Ang etimolohiyang ito ay nananatiling pamantayang hango ng kataga.[4]

Ayon kay Walafrid Strabo, isang monghe ng Abbey ng St. Gall, sa isinulat niya noong ika-9 na daantaon habang tinatalakay ang mga tao ng Switzerland at ang nakapaligid na mga rehiyon, na tanging mga dayuhan lamang ang tumatawag sa kanila bilang Alemanni, subalit binigyan nila ang kanilang sarili ng pangalang Suevi.

Ang pangalan ng Alemanya at ng wikang Aleman sa Pranses na Allemagne, allemand, sa Portuges na Alemanha, alemão, sa Kastilang Alemania, alemán, sa Welsh na (Yr) Almaen, almaeneg, at Tagalog (Filipino) na Alemanya, Aleman ay hinango mula sa pangalan ng sinaunang kaanibang ito ng mga tribong Hermaniko.

Tinatawag din sa Arabe ang Alemanya bilang Almanya, at ang wikang Aleman bilang ʾAlmaniyya. Sa Turko, ang Alemanya ay tinatawag na Almanya at ang Aleman ay bilang Alman, at sa Persa (Persian) ang Alemany ay Almaan, at ang Aleman ay Almaani.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ang baybay na mayroong "e" ay ginagamit sa Encyclpaedia Britannica, ika-9 na edisyon (c.1880), Everyman's Encyclopedia (1967), Everyman's Smaller Classical Dictionary (1910). Ang umiiral na edisyon ng Encyclopaedia Britannica ay nagbabaybay na mayroong "e", gayon din ang Columbia and Edward Gibbon, Bolumen 3, Kabanata XXXVIII. Ang isina-Latin na pagbabaybay na mayroong a ay umiiral sa mas sinaunang panitikan (gayon din sa Britannica 1911, subalit nananatiling ginagamit halimbawa na sa Wood (2003) at Drinkwater (2007).
  2. Edward Gibbon. "Chapter 10". Ccel.org. Nakuha noong 2012-01-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Histoire de l'Académie Royale des Inscriptions et Belles-Lettres, avec les Mémoires de Littérature tirés des Registres de cette Académie, depuis l'année MDCCXLIV jusques et compris l'année MDCCXLVI, tomo XVIII, (Paris 1753) pp.49–71. Ang mga maiiksing sipi ay nasa ELIOHS.
  4. Binabanggit ito sa karamihan ng mga talahuluganang pang-etimolohiya, katulad ng American Heritage Dictionary (malaking edisyon) na nasa ilalim ng ugat na *man- Naka-arkibo 2006-05-19 sa Wayback Machine..