Mitolohiyang Hapones
Ang mitolohiyang Hapones ay yumayakap sa mga tradisyong Shinto at Budista gayundin ang batay sa agrikulturang relihiyong pambayan. Ang panteon na Shinto ay binubuo ng mga hindi mabilang na kami (wikang Hapones para sa "Mga Diyos" o "Mga Espirito"). Ang mga mitong Hapones ay batay sa Kojiki at Nihon Shoki at ilang mga aklat. Ang Kojiki o "Talaan ng mga Sinaunang Bagay" ang pinakamatandang umiiral na salaysay ng mga mito ng Hapon, mga alamat at kasaysayan at pinagmulan ng kapuluang Hapon. Ang Shintōshū ay naglalarawan ng mga pinagmulan ng mga Diyos na Hapones mula sa perspektibong Budista samantalang ang Hotsuma Tsutae ay may ibang bersiyon ng mitolohiya. Ang isang kilalang katangian ng mitolohiyang Hapones ang pagpapaliwanag nito pinagmulan ng pamilyang imperyal ng Hapon na ginagamit sa kasaysayan upang itakda ang pagka-Diyos sa linyang emperador ng Hapon. Ang pamagat sa Hapones ng Emperador ng Hapon na tennō (天皇) ay nangangahulugang "makalangit na soberanya".
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.