Alamat ng Puteri Gunung Ledang

Ang Alamat ng Puteri Gunung Ledang ay isang alamat na umiikot sa isang makalangit na prinsesa na naninirahan sa Bundok Ledang, na matatagpuan sa kasalukuyang lalawigan ng Johore sa Malaysia.

Puteri Gunung Ledang (alamat ng Johor)

baguhin

Narinig ng isang sultan ang tungkol sa kagandahan ng isang prinsesa at nais niyang pakasalan siya, ngunit nagtakda ang prinsesa ng pitong imposibleng kondisyon para sa kanya. Ang mga kundisyon ay:

  • Isang gintong daanan para makalakad siya patungong Malacca mula sa bundok,
  • Isang daanang yari sa pilak upang makabalik siya mula sa Malacca patungo sa bundok,
  • Pitong bariles ng luha (partikular ang luha mula sa mga dalaga) upang makaligo siya,
  • Pitong bariles ng mga katas mula sa puno ng betel ( Areca catechu ) upang makaligo siya,
  • Pitong tray na puno ng puso ng mga mikrobyo,
  • Pitong tray na puno ng puso ng mga lamok, at
  • Isang mangkok na dugo ng batang anak na lalaki ng Sultan.

Ang lahat ng mga kundisyon ay sadyang itinakda o hiniling ng Prinsesa upang subukin ang pag-ibig ng Sultan sa kanya kung saan alam niya na hindi niya ito matutupad dahil ang mga iyon ay likas na katawa-tawa at karamihan ay hindi makakamit o hindi na maaabot. Ang huling kahilingan ay isang mahirap na desisyon para sa Sultan dahil ang anak na lalaki niya ay ang kaisa-isa niyang anak.

Ang ibang mga bersyon ng alamat ay nagsasabing ang Sultan ay hindi nagawang tuparin ang alinman sa mga kahilingang ito, habang ang iba naman ay nagsasabing natupad niya ang unang anim na kahilingan (kaya't nagdulot sa pagkasira ng Sultanato ng Malacca ) ngunit hindi natupad ang pangwakas na kahilingan na patayin ang kanyang anak. Ang punto ng kwento ay ang Sultan ay masyadong mayabang o bulag upang mapagtanto na ang mga kondisyon ay mga banayad na paraan ng prinsesa na tinatanggi ang kanyang alok na pagmamahal.

Sinasabi ng ilan na ang mga tira-tira ng tulay na ginto at pilak ay naroon pa rin, ngunit nilamon muli ng kagubatan. Sinasabi naman ng iba na ang mga tulay ay makikita lamang sa daigdig ng mga espiritu.[1]

Karagdagan sa alamat

baguhin

Ang ilang karagdagan sa alamat ay nagsasabi na ang prinsesa ay nag-asawa ng isang bayaning nagngangalang Nakhoda Ragam. Ang pangalan niya ay walang tigil na sumisindak sa puso ng mga naglalakas-loob na kalabanin siya. Gayunpaman, ang bayaning ito ay mamamatay sa kamay ng kanyang asawang prinsesa. Mahilig si Ragam na kilitiin ang mga tadyang ng Prinsesa. Isang araw, sa isang hindi mapigilang pagputok ng galit, sinaksak ng Prinsesa ang dibdib ng asawa gamit ang karayom na hawak niya. Pagkatapos noon, ang Prinsesa ay bumalik sa Bundok Ophir at nanumpa na hindi na itutuon ang kanyang paningin sa ibang lalaki. Ang bangka ni Ragam, hindi nagtagal, ay nadurog dahil sa bagyo at sinasabi ng alamat na ang mga natira mula sa malaking pinsala ay nagbago sa kasalukuyang anim na mga isla sa Malacca. Sinasabi na ang kusina ng bangka ay naging Pulau Hanyut, ang cake-tray ay naging Pulau Nangka, ang garapon ng tubig ay Pulau Undan, ang mitsero ng insenso ay Pulau Serimbun, ang manukan ay Pulau Burong, at ang silid nina Ragam at ng Princess ay naging Pulau Besar.

Gunung Ledang

baguhin

Ang sinaunang kasaysayan at mitolohiya ay tumuturo sa bundok ng Gunung Ledang na isang lugar na mayroong mayamang mga deposito ng ginto, na naka-akit sa mga mangangalakal mula sa Gresya at Tsina. Noong ika-14 na siglo, tinawag ito ng mga dumadaang manlalayag na Tsino sa Kipot ng Melaka na 'Kim Sua' na nangangahulugang 'Gintong Bundok'. Ang bundok ay pinangalanang 'Gunung Ledang', na nangangahulugang 'bundok mula sa malayo', noong panahon ng emperyo ng Majapahit . Ang mga lokal doon ay nagsasabi na ang gintong tulay na kumokonekta sa bundok ay naitayo ngunit nakabaon na ito sa ilalim ng lupa.

Teatro at pelikula

baguhin

Maraming mga paghahalaw ng kwento ang nagawa at lahat ay nakabatay sa parehong paksa ngunit ang bawat isa ay magkakaiba sa ginamit na bersyon o interpretasyon:

  • Puteri Gunong Ledang, isang 1961 pelikulang Malaya na black-and-white na pinagbibidahan ni Elaine Edley.
  • Puteri Gunung Ledang, isang bonggang pelikulang tampok sa Malaysia na pinagbibidahan nina Tiara Jacquelina at M. Nasir . Ang pelikulang ito ay inangkop kalaunan bilang isang entabladong musikal na may parehong pangalan makalipas ang dalawang taon na pinagbibidahan din ni Tiara kasama si Stephen Rahman-Hughes .

Tingnan din

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-18. Nakuha noong 2021-02-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)