Si Alan LaVern Bean (ipinanganak 15 Marso 1932), (Capt, USN, Ret.), ay isang Amerikano na dating naval officer and abyador, aeronautical engineer, test pilot, at astronaut ng NASA; siya ang ika-apat na taong nakapaglakad sa Buwan. Pinili siya ng NASA na maging astronaut noong 1963 na maging bahagi ng Astronaut Group 3. Ang kanyang unang lipad sa kalawakan ay sakay ng Apollo 12, ang ikalawang manned mission na lumapag sa Buwan, sa gulang na 37 noong Nobyembre 1969. Ang kanyang ikalawa at huling lipad sa kalawakan ay sa misyong Skylab 3 noong 1973, ang ikalawang manned mission sa Skylab space station. Pagkaretiro sa United States Navy noong 1975 at sa NASA noong 1981, pinagtuonang pansin niya ang pagpinta, inilarawan niya ang ilang eksenang kaugnay ng kalawakan at isinulat ang kanyang mga karanasan sa kalawakan kasama ng kanyang kapuwa astronaut sa programamng Apollo.

Alan Bean
Astronaut ng NASA
KabansaanAmerican
EstadoRetired
KapanganakanAlan LaVern Bean
15 Marso 1932(1932-03-15)
Wheeler, Texas, U.S.
Kamatayan26 Mayo 2018(2018-05-26) (edad 86)
Ibang trabaho
Naval aviator, test pilot
UT Austin, B.S. 1955
RanggoCaptain, USN
Panahon sa kalawakan
69d 15h 45m
Seleksiyon1963 NASA Group 3
Kabuoang EVA
3
Kabuoang panahon sa EVA
10 hours 26 minutes[1]
MisyonApollo 12, Skylab 3
Sagisag ng misyon
PagreretiroJune 1981

Biyograpiya

baguhin

Maagang buhay at edukasyon

baguhin

Ipinanganak si Bean noong 15 Marso 1932, sa Wheeler, ang kabesera ng Wheeler County sa hilagang-silangang Texas Panhandle. Siya ay may dugong Scottish. Nang bata pa lamanag, nanirahan siya sa Minden, ang kabesera ng Webster Parish sa hilagang-kanlurang Louisiana, at dito nagtatrabaho ang kanyang ama sa U.S. Soil Conservation Service. Nagtapos si Bean sa R. L. Paschal High School sa Fort Worth, Texas, noong 1950. Natanggap niya ang degree na Bachelor of Science sa Aeronautical Engineering mula sa University of Texas at Austin (UT) noong 1955. Sa UT siya ay kasapi ng fraternity na Delta Kappa Epsilon (Omega Chi chapter). Pagkaraan ng apat na taong tour bilang fighter pilot na nakatalaga sa isang jet attack squadron sa Jacksonville, Florida,[2] pumasok siya sa U.S. Naval Test Pilot School, dito naging guro niya ang magiging Apollo 12 Commander na si Pete Conrad. Dito lumipad siya bilang isang test pilot sa ilang naval aircraft.

Si Bean ay isang Boy Scout na may ranggong First Class.[3] Nahihilig din siyang magbasa.

Nakapagtala si Bean ng 7,145 oras na flying time, kasama dito ang 4,890 oras sa isang jet aircraft.[4]

Ginawaran si Bean ng isang Honorary Doctorate of Science mula sa Texas Wesleyan College noong 1972, at binigyan din ng isang Honorary Doctorate of Engineering Science degree mula sa University of Akron (Ohio) noong 1974.

Karera sa NASA

baguhin

Napili si Bean ng NASA bilang bahagi ng Astronaut Group 3 noong 1963 (nang hindi ito napili para sa Astronaut Group 2 ng nalakipas na taon).[5] Siya ay napili bilang backup command pilot para sa Gemini 10 ngunit hindi matagumpay na makuha ang maagang pagtalaga sa isang paglipad ng Apollo. Siya ay itinalaga sa Apollo Applications Program pansamatala. Sa kapasidad na iyon, siya ang unang astronaut na sumisid sakay ng Neutral Buoyancy Simulator at isang kampeon ng proseso sa pagsasanay ng mga astronaut.[6] Nang ang kanyang kapuwa astronaut na si Clifton Williams ay namatay sa isang air crash, nagbukas ang isang posisyon para kay Bean sa backup crew para sa Apollo 9. Si Apollo 12 Commander Conrad, ang naging guro ni Bean sa Naval Flight Test School ilang taong lumipas, ang personal na humiling na si Bean ang papalit kay Williams.

Programang Apollo

baguhin
 
Si Bean sa Buwan noong pahanon ng Apollo 12.

Si Bean ang piloto ng lunar module sa Apollo 12, ang ikalawang paglapag sa buwan. Noong Nobyembre 1969, Sina Al Bean at Pete Conrad ay lumapag sa Ocean of Storms sa Buwan—pagkaraan ng lipad na may 250,000 milya at isang paglunsad na may nakakabagabag na lightning strike. Si Bean ang astronaut na nagsawa ng pinasikat na instruksiyon ni John Aaron "Flight, try SCE to 'Aux'" upang ipanumbalik ang telemetry nang matamaan ng kidlat ang spacecraft 36 segundo pagkalunsad, kaya nasagip ang mission. Ginalugad nila ang ibabaw ng buwan, nagkabit ng ilang eksperimeto, at nilagay ang unang nuclear power generator station sa Buwan na panggagalingan ng koryente. Nanitili si Dick Gordon sa lunar orbit upang kumuha ng mga larawan ng mga landing site para sa mga susunod pang mission.

Plinano ni Bean na gamitin ang self-timer ng kanyang kamerang Hasselblad upang kuhanan siya at ni Pete Conrad ng larawan habang sila ay na ibabaw ng buwan malapit sa spacecraft na Surveyor III. Inaasahan ni Bean na makakuha ng napakagandang larawan, pati na rin na lituhin ang mga siyentipiko sa kung paano ito nakuha. Gayunman, hindi niya o ni Conrad na mahanap ang timer sa kanilang bag ng kasangkapan nang sila ay nasa kilalagyan ng Surveyor III kaya nawalan na sila ng pagkakataon. Nakita lamang ni Bean ang self-timer nang patapos na ang EVA kaya huli na para gamitin - sa puntong iyon itinapon niya ito nang malakas.[7] Mayroong pinta si Bean kung ano sana ang kalalabasan ng larawang ito (pinamagatang "The Fabulous Photo We Never Took") at isa sa kanyang hindi matagumpay na paghahanap sa timer ("Our Little Secret") ay kabilang sa kanyang koleksyon ng mga pinta tungkol sa Apollo.[8][9]

Ang suit ni Bean ay nakatanghal sa National Air and Space Museum.[10]

Skylab

baguhin
 
Si Bean na nag-aahit habang nasa Skylab 3 mission

Si Bean ang spacecraft commander ng Skylab 3, ang ikalawang manned mission papuntang Skylab, 29 Hulyo hanggang 25 Setyembre 1973. Kasama niya sa 59 araw na paglipad ay sina scientist-astronaut Dr. Owen Garriott at Marine Corps Colonel Jack R. Lousma. Habang nasa mission sinubokan ni Bean ang isang prototype ng Manned Maneuvering Unit at nagsagawa ng isang spacewalk sa labas ng Skylab.

Karera matapos ng NASA

baguhin
 
Si Bean noong Pebrero 2009

Sa kanyang sumunod na pagkakatalaga, si Bean ang naging backup spacecraft commander para sa mga tripulante ng Estados Unidos sa pinag-isang Apollo-Soyuz Test Project ng Estados Unidos at Russia.

Nagritiro si Bean sa Navy noong 1975 bilang isang Captain ngunit nagpatuloy bilang pangulo ng Astronaut Candidate Operations and Training Group sa Astronaut Office bilang isang sibilyan.

Nakapagtala si Bean ng 1,671 oras at 45 minuto sa kalawakan, dito 10 oras at 26 minuto ang ginugol niya sa mga EVA sa Buwan at sa orbit ng Daigdig.[citation needed]

Organisasyon

baguhin

Si Bean ay isang fellow ng American Astronautical Society, at kasapi ng Society of Experimental Test Pilots.[11]

Mga gawad at parangal

baguhin
  • Navy Astronaut Wings
  • Navy Distinguished Service Medal (2 beses)
  • NASA Distinguished Service Medal (2 bese)
  • Rear Admiral William S. Parsons Award for Scientific and Technical Progress
  • University of Texas Distinguished Alumnus Award and Distinguished Engineering Graduate Award
  • Godfrey L. Cabot Award
  • National Academy of Television Arts and Sciences Trustees Award
  • Texas Press Associations Man of the Year Award for 1969
  • City of Chicago Gold Medal
  • Robert J. Collier Trophy para sa 1973
  • Federation Aeronautique Internationale Yuri Gagarin Gold Medal para sa 1973
  • V. M. Komarov Diploma para sa 1973 (1974)
  • Dr. Robert H. Goddard Memorial Trophy para sa 1975 (1975)
  • AIAA Octave Chanute Award para sa 1975 (1975)
  • AAS Flight Achievement Award para sa 1974 (1975)
  • Inuluklok sa International Space Hall of Fame noong 1983
  • Iniluklok sa U.S. Astronaut Hall of Fame noong 1997
  • Isinaad sa National Aviation Hall of Fame para sa 2010

Pagpinta

baguhin
 
Si Bean sa kanyang studio

Nagbitiw si Bean sa NASA noong Hunyo 1981 upang magkaroon ng panahon para sa pagpipinta. Marami sa kanyang mga pinta ang nakasabit sa mga dingding ng mga nahihilig sa kalawakan.

Kabilang sa mga pinta ni Bean ang Lunar Grand Prix at Rock and Roll on the Ocean of Storms.

Personal na buhay

baguhin
 
Isang museum marker para kay Alan Bean sa Shamrock, Texas
 
Ibinigay ni Bean ang isang piraso ng moon rock sa Gasometer Oberhausen noong Marso 2010.

Si Bean ay kasal na may dalawang anak na isang lalaki at isang babae.[12]

Nagdala ni maliit na piraso ng MacBean tartan sa buwan.[13]

Sa media

baguhin

Sa HBO miniseries From the Earth to the Moon noong 1998, si Bean ay ginampanan ni Dave Foley.

Mga aklat

baguhin
  • My Life As An Astronaut (1989)
  • Apollo: An Eyewitness Account (kasama si Andrew Chaikin) (1998)
  • Into the Sunlit Splendor: The Aviation Art of William S. Phillips (with Ann Cooper, Charles S. Cooper and Wilson Hurley) (2005)
  • Mission Control, This is Apollo: The Story of the First Voyages to the Moon (with Andrew Chaikin) (2009)
  • Painting Apollo: First Artist on Another World (2009)

Ang diary ni Bean habang nasa Skylab ay itinampok sa "Homesteading Space," isang kasayaysan ng programamng Skylab na kapuwa sinulat ng magkasamang astronaut na sina Dr. Joseph Kerwin at Dr. Owen Garriott at ng manunulat na si David Hitt, inilathala noong 2008.

Sanggunian

baguhin
  1. Alan Bean's EVA experience
  2. "The Lunar Hall of Fame: Alan Bean". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-25. Nakuha noong 2015-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Alan Bean at scouting.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2015-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Al Bean's flight experience
  5. Chaikin, Andrew. A Man on the Moon. Penguin Books Ltd. ISBN 978-0-14-024146-4.
  6. von Braun, Wernher (2010), Buckbee, Ed (pat.), The Rocket Man: Wernher von Braun: The Man Who Took America to the Moon: His Weekly Notes: 1961-1969 (DVD), Steward & Wise Music Publishing, p. 1966-07 p. 79, ISBN 978-1-935001-27-0{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "NASA - Ocean Rendezvous". Nasa.gov. 1969-11-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-15. Nakuha noong 2010-12-14. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Our Little Secret". Alanbeangallery.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-03. Nakuha noong 2010-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Bean, Alan and Chaikin, Andrew.
  10. http://historicspacecraft.com/spacesuits.html
  11. "Al Bean's memberships". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-24. Nakuha noong 2015-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Astronaut Bio: Alan Bean". Nakuha noong Marso 15, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Clan MacBean Arrives On The Moon". alanbeangallery.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-03. Nakuha noong 2007-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)