Si Aldo Carrascoso (ipinanganak noong Hulyo 19, 1978) ay isang Pilipinong negosyante na kilala dahil sa pagtatatag ng Veem at Jukin Media.[1] Itinatag din niya ang InterVenn Biosciences, isang amerikanong parmaseutikal at biotecknolohiya na kumpanya, kasama si Carolyn Bertozzi at nagsilbi bilang punong tagapagpaganap nito sa loob ng anim na taon. [2] [3]

Aldo Carrascoso
Kapanganakan (1978-07-19) 19 Hulyo 1978 (edad 46)
EdukasyonAteneo De Manila University
Babson College
TrabahoNegosyante
Kilala saTagapagtatag ng Jukin Media, Veem

Karanasan

baguhin

Si Carrascoso ay ipinanganak at lumaki sa San Juan, Maynila, Pilipinas.[4][5] Ang kanyang ama ay isang inhinyero at pangkalahatang tagapamahala ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila, na naging dahilan upang malantad si Carrascoso sa teknolohiya mula sa murang edad. [6]

Nag-aral siya ng elementarya at sekondarya sa De La Salle, at natapos ang kanyang undergraduate sa Ateneo De Manila University, kung saan nakatanggap siya ng BS sa Sikolohiya. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagkuha ng MBA mula sa Babson College. [7]

Ang ina ni Carrascoso na si Lily ay namatay sa kanser sa suso noong 1993. [8] Ang kanyang pagkabigo sa kakulangan ng mga opsyon para sa diagnostic at paggamot ng kanser ay naging pangunahing kadahilanan na nag-udyok sa kanya na pumasok sa larangan ng pananaliksik sa paggamot sa kanser. [9] Matapos ma-diagnose na may kanser ang isa pang kamag-anak noong 2016, lumahok si Carrascoso sa isang experimento upang matukoy kung bakit hindi nahahanap ng genomic sequencing ang kanser sa loob ng kanyang pamilya. Dito niya nakilala ang magiging co-founder ng InterVenn na si Carolyn Bertozzi. [10]

Nang nadiskubre ni Carrascoso na aabutin ng 12 buwan ang pagsusuri ng datos mula sa sampol na galing sa dugo, naging determinado siyang bumuo ng mag mas mabuting paraan para suriin ang mga sampol gamit ang pagkatuto ng makina at Intelihensiyang artipisyal, na humantong sa pagtatatag ng InterVenn Biosciences. [11][12]

Mga Kompanyang Itinatag

baguhin

Sa kasalukuyan, naging kasangkapan si Carrascoso sa pagtatatag ng apat na kompanya.

Verego

baguhin

Itinatag ni Carrascoso ang Verego, isang B2B matchmaking platform, noong 2006. Nilikha niya ang konsepto ng kumpanya batay sa kanyang pinag-aralan sa Master ng Business Administration. [13] Inilarawan ni Carrascoso ang platform bilang "Tinder para sa mga kumpanya" kung saan hinahambing ang mga pangmatagalang pakikipagsosyo sa negosyo sa relasyong romantiko at ginagamit ang isang pagtutugma ng algoritmo upang magkatugma ang mga negosyo sa isa't isa. [14]

Jukin Media

baguhin

Noong 2009, kasama sina Jonathan Skogmo at Josh Entman, itinatag ni Carrascoso ang Jukin Media, isang kumpanyang naglisensya, namamahagi at kumikita galing sa kumakalat na nilalaman. [15] Naglingkod siya bilang punong opisyal ng teknolohiya sa umpisa ng kumpanya. Gumagamit ang platform ng algorithm na tinatawag na "Riff" upang makabuo ng mga media feeds batay sa iba't-ibang kumakalat na mga keywords. [16]

Nakalikom ng halos $6 milyon USD sa pondo ang Jukin mula sa Samsung Ventures, BDMI, Third Wave Digital, at ang chairman at CEO ng Mandalay Entertainment na si Peter Guber [17] at binili ng Trusted Media Brands ang buong kumpanya noong 2021. [18]

Veem (dating Align Commerce)

baguhin

Noong 2012, kasama si Marwan Forzley, itinatag ni Carrascoso ang Veem, isang multi-channel na platform ng pagbabayad. [19] Nagsilbi siyang bilang CTO at COO, na nangangasiwa sa pagbuo ng isang algorithm na nagsusuri ng mga transaksyon upang matukoy kung ang tradisyonal na pagbabayad at blockchain ay magiging mas mahusay sa pagpapadala ng pera. [20]

Ang plataporma ay binuo para madaling mapasok ng mga maliliit at katamtamang negosyo ang blockchain payment rails sa pagpapadala ng pera sa iba't-ibang bansa. [21] Una itong pinondohan ng Silicon Valley Bank, Kleiner Perkins Caufield & Byers, at pinalawak pa ng National Bank of Australia at Google Ventures. [22]

InterVenn Biosciences

baguhin

Noong 2017, itinatag ni Carrascoso ang InterVenn Biosciences kasama ang mga propesor ng kemistriya na sina Carlito Lebrilla at Carolyn Bertozzi [23] Gumagamit sila ng intelihensiyang artipisyal na binuo ni Carrascoso para sa pagsusuri ng glycoproteomic na impormasyon para sa maagang pagsusuri ng ilang mga kanser. [24] Ang unang produkto ng InterVenn ay "Glori," isang liquid biopsy tool para sa pagtukoy ng mga malignant na ovarian tumor . [25] Ang mga metodolohiya ay ginagamit upang bumuo ng iba't-iba diagnostic tools para sa 24 na kanser, tulad ng kanser sa bato, baga, atay, prostate, pancreatic, nasopharyngeal, at colorectal. [26]

Ang kumpanya ay nakalikom ng USD $45 milyon sa dalawang ikot ng pagpopondo noong 2018 at 2020, bago napondohan ulit ng USD $201 milyon para sa series C round na pinangunahan ng SoftBank . [27]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Racoma, J. Angelo (2021-09-01). "Filipino BioTech founder is changing the game in the global fight against cancer with AI, machine learning & 'glycan' research". TechNode Global (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Nobel Chemistry Prize Winner This Year Co-Founded a Revolutionary Startup with a Filipino Serial Entrepreneur". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2023-02-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Leuty, Ron (Agosto 2, 2021). "SoftBank, others invest $201M in Peninsula startup, next-gen cancer test". San Francisco Business Times. Nakuha noong 2023-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. Racoma, J. Angelo. "Filipino BioTech founder is changing the game in the global fight against cancer with AI, machine learning & 'glycan' research". TechNode Global (sa wikang Ingles).
  5. "How InterVenn Biosciences CEO Aldo Carrascoso is transforming the global fight against cancer". Speed (sa wikang Ingles). 2022-04-24. Nakuha noong 2023-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Grana, Rhia (Setyembre 12, 2021). "They call him 'Pinoy Elon Musk' and his startup is working on changing the game in cancer detection". ABS-CBN News Channel.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Changing the game in global fight vs cancer". malaya.com.ph (sa wikang Ingles). 2021-09-06. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-02. Nakuha noong 2023-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Crawford, John (2021-07-22). "When an Entrepreneur Takes on Cancer · Babson Thought & Action". Babson Thought & Action (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "How InterVenn Biosciences CEO Aldo Carrascoso is transforming the global fight against cancer". Speed (sa wikang Ingles). 2022-04-24. Nakuha noong 2023-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Filipino-run biotech company develops ovarian cancer detection tool". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 2020-12-11. Nakuha noong 2023-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Filipino-run biotech company develops ovarian cancer detection tool". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 2020-12-11. Nakuha noong 2023-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Liquid biopsy is a multibillion-dollar market, and InterVenn is looking to take advantage". PharmaVoice (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Filipino techpreneur finds success in Silicon Valley". Manila Standard (sa wikang Ingles). 2017-04-22. Nakuha noong 2023-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Serial Entrepreneur". groco.com (sa wikang Ingles). 2019-05-22. Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Alba, Davey. "Inside the Company That's Made Viral Videos Big Business". Wired (sa wikang Ingles). ISSN 1059-1028. Nakuha noong 2023-02-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Keiles, Jamie Lauren (2016-12-27). "How Jukin Media Built a Viral-Video Empire". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2023-02-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Spangler, Todd (2021-08-12). "Jukin Media Acquired by Trusted Media Brands, Parent of Reader's Digest". Variety (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Gilchrist, Todd (2021-08-16). "Digital Video Company Jukin Media Is Acquired by Trusted Media Brands". Los Angeles Business Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Miller, Ron (2017-11-28). "Veem opens up global payments platform to developers with new API". TechCrunch (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Levy, Ari. "There's a lot of blockchain hype, but money-transfer start-up Veem is using it today". CNBC (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Veem Rolls Out Real-Time Payment Tool for SMBs". www.pymnts.com (sa wikang Ingles). 2022-10-25. Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Veem raises $24 million to simplify global payments". VentureBeat (sa wikang Ingles). 2017-03-08. Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Embudo, Franz Luwen (Setyembre 13, 2021). "Filipino Innovator And Entrepreneur Revolutionizing Global Fight Against Cancer". One News.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  24. "Filipino-led company presents easier way to detect ovarian cancer". Lifestyle.INQ (sa wikang Ingles). 2020-12-29. Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Liquid biopsy is a multibillion-dollar market, and InterVenn is looking to take advantage". PharmaVoice (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "With a 'monopoly' on glycoproteomics, InterVenn raises $34M to push cancer diagnostic into the clinic, woos Illumina BD exec". Endpoints News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Klearman, Sarah (Mayo 12, 2022). "Fast-growing biotech company InterVenn snags more space in South San Francisco". San Francisco Business Times. Nakuha noong 2023-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)