Alessandria della Rocca
Ang Alessandria della Rocca (Siciliano : Lisciànnira di la Rocca) ay isang komuna at maliit na bayang agrikultural na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Malayang Konsorsiyong Komunal ng Agrigento, kanlurang gitnang Sicily, timog Italya.
Alessandria della Rocca | |
---|---|
Comune di Alessandria della Rocca | |
Mga koordinado: 37°34′N 13°27′E / 37.567°N 13.450°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Lalawigan | Agrigento (AG) |
Pamahalaan | |
• Mayor | Alfonso Frisco |
Lawak | |
• Kabuuan | 62.24 km2 (24.03 milya kuwadrado) |
Taas | 533 m (1,749 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 2,867 |
• Kapal | 46/km2 (120/milya kuwadrado) |
Demonym | Alessandrini |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 92010 |
Kodigo sa pagpihit | 0922 |
Santong Patron | Maria SS. della Rocca |
Saint day | Huling Linggo ng Agosto |
Websayt | Opisyal na website |
Ang mga labi ng ika-14 na siglo Castello della Pietra d'Amico ay matatagpuan 5 kilometro (3.1 mi) layo mula sa bayan.[3] Ang bayan mismo ay itinatag noong 1570 ni Don Carlo Blasco Barresi, at sa una ay tinawag na Pietra d'Amico buhat ng kastilyo. Noong 1713, pinangalanan itong Alessandria di Sicilia, habang ang kasalukuyang pangalang Alessandria della Rocca ay pinagtibay ng Maharlikang Dekreto noong Nobyembre 7, 1862.[4]
Marami sa naninirahan sa bayan ang lumipat sa Estados Unidos, partikular sa Tampa, Florida, noong huling bahagi ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 siglo. Ang isa sa mga emigrante ay si Giuseppina Saverino, na kalaunan ay magiging lola ng manlalaro ng Amerikanong putbol na si Joe Montana, na lumipat noong 1921.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Orlando, Andrea. "Castello Di Pietra D'Amico". iCastelli.it (sa wikang Italyano). Nakuha noong 20 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Castello della Pietra d'Amico". alessandriadellarocca.biz (sa wikang Italyano). 27 Hunyo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Agosto 2015. Nakuha noong 20 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)