Alexander Oparin
Si Alexander Ivanovich Oparin (Ruso: Алекса́ндр Ива́нович Опа́рин; in English, Aleksandr Ivanovich Oparin[1]) (Marso 2 [Lumang Estilo Pebrero 18] 1894, Uglich, Russia – 21 Abril 1980, Moscow) ay isang biyokimikong Soviet na kilala para sa kanyang mga ambag sa teoriya ng pinagmulan ng buhay at kanyang pagsulat ng aklat na Ang Pinagmulan ng Buhay. Nag-aral rin siya ng biyokimika ng pagpoproseso ng materyal ng mga halaman at mga reaksiyong enzyme sa mga selula ng halaman. Kanyang naipakita na ang maraming mga proseso ng produksiyon ng pagkain ay batay sa biocatalysis at pinaunlad ang mga pundasyon ng industriyal na biyokimika sa USSR.[2]
Alexander Oparin | |
---|---|
Kapanganakan | 2 Marso 1894 |
Kamatayan | 21 Abril 1980 | (edad 86)
Nasyonalidad | Russian |
Mamamayan | Soviet Union |
Nagtapos | Moscow State University |
Kilala sa | Contributions to the theory of the origin of life coacervates |
Parangal | Hero of Socialist Labour (1969) Lenin Prize (1974) Lomonosov Gold Medal (1979) |
Karera sa agham | |
Larangan | Biochemistry |
Institusyon | Moscow State University USSR Academy of Sciences |
Talambuhay
baguhinNagtapos si Oparin mula sa Moscow State University noong 1917 at naging propesor ng biyokimika doon noong 1927. Ang karamihan sa kanyang mga maagang papel ay ukol sa mga enzyme ng halaman at kanilang papel sa metabolismo. Noong 1924, kanyang isinulang ang isang teoriya ng buhay na umunlad sa mundo sa pamamagitan ng unti unting ebolusyong kimikal ng mga nakabase sa carbon na molekular sa isang primordial soup. Noong 1935 kasama ng akademikong si Alexey Bakh, kanyang itinatag ang Biochemistry Institute ng Academy of Sciences ng USSR. Noong 1939, siya ay naging tumutugong kasapi ng Akademyang Pang-Agham ng USSR at noong 1994 ay naging kasapi ng Akademya. Noong mga 1940 at 1950, kanyang sinuportahan ang mga teoriya nina Trofim Lysenko at Olga Lepeshinskaya na ang mga pinagmulan ng mga selula ay mga hindi selular na materya. Noong 1970, siya ay nahalal na Presidente ng International Society for the Study of the Origins of Life. Siya ay namatay noong 21 Abril 1980 at inilibing sa sementeryong Novodevichy sa Moscow. Si Oparin ay naging Bayani ng Paggawang Sosyalista noong 1969 at tumanggap ng Gantimpalang Lenin noong 1974 at Gintong Medalyang Lomonosov noong 1979 "para sa natatanging mga nagawa sa biyokimika". Siya ay ginawaran ng limang mga Orden ni Lenin.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Britannica Encyclopedia - Aleksandr Oparin
- ↑ Great Soviet Encyclopedia, 3rd edition, entry on "Опарин", available online here Naka-arkibo 2009-02-23 sa Wayback Machine.