Imperyong Ruso

(Idinirekta mula sa Russian Empire)

Ang Imperyong Ruso (Lumang ortograpiyang Ruso: Россійская Имперія, Modernong Ruso: Российская империя, Rossiyskaya Imperiya) ay isang estadong umiral mula 1721 hanggang ito'y patalsikin ng isang panandaliang liberal na himagsikan noong Pebrero 1917.[2] Ito ay isa sa mga pinakamalaking imperyo sa kasaysayan ng daigdig, na umabot ang lawak sa tatlong kontinente; tanging ang Imperyong Briton at Mongol lamang ang humigit sa kalupaan nito. Malaki ang ginampanang papel ng Imperyong Ruso noong 1812–1814 nang talunin nito si Napoleon sa kaniyang tangkang sakupin ang Europa, at noo'y lumawak pa ang nasakupan nito sa kanluran at timog. Malimit nitong kahidwaan ang Imperyong Ottoman na siya namang protektado ng mga Briton.

Imperyong Ruso
Россійская Имперія  (Pre-reformed Russian)
Российская Империя  (RussianCyrillic)
Rossiyskaya Imperiya  (transliteration)
1721–1917
Lahat ng teritorying nasakop ng Imperyong Ruso at mga saklaw ng impluwensiya.   Teritoryo[a]   Saklaw ng impluwensiya
Lahat ng teritorying nasakop ng Imperyong Ruso at mga saklaw ng impluwensiya.
  Teritoryo[a]
  Saklaw ng impluwensiya
KatayuanImperyo
Kabisera
Karaniwang wikaOpisyal
Russian
Relihiyon
Official
Russian Orthodox
PamahalaanAwtokrasya
Ganap na monarkiya by divine right before
1906 · Constitutional monarchy from 1906
Emperador 
• 1721–1725 (una)
Peter I
• 1894–1917 (huli)
Nicholas II
 
• 1905–1906 (una)
Sergei Witte
• 1917 (huli)
Nikolai Golitsyn
Lehislatura
Emperor exercises legislative
power in conjunction with the
State Council and State Duma[1]
• Mataas na Kapulungan
State Council
• Mababang Kapulungan
State Duma
Kasaysayan 
• Accession of Peter I
7 May [O.S. 27 Apr] 1682[c]
• Empire proclaimed
22 Oct [O.S. 11 Oct] 1721
26 Dec [O.S. 14 Dec] 1825
3 Mar [O.S. 19 Feb] 1861
Jan–Dec 1905
23 Apr [O.S. 6 May] 1906
15 Mar [O.S. 2 Mar] 1917
7 Nov [O.S. 25 Oct] 1917
Lawak
186622,800,000 km2 (8,800,000 mi kuw)
191621,799,825 km2 (8,416,959 mi kuw)
Populasyon
• 1916
181,537,800
SalapiRuble
Pinalitan
Pumalit
Tsardom of Russia
Russian Republic
Ober Ost
Karafuto Prefecture
Department of Alaska
Northern Caucasus
State of
Buryat-Mongolia
Bahagi ngayon ng

Sa simula ng ika-19 na siglo, umaabot mula Karagatang Artiko sa hilaga hanggang Dagat Itim sa timog, mula sa Dagat Baltiko sa kanluran hanggang Karagatang Pasipiko, at (hanggang 1867) Alaska sa Hilagang Amerika sa silangan ang teritoryo nito.[3] Ang 125.6 milyon kataong nasasakupan nito ayon sa tala ng senso noong 1897, ay ang ikatlong pinakamalaking populasyon sa daigdig noong panahong iyon, kasunod ng sa Tsina at Imperyong Briton. Gaya ng lahat ng imperyo, malaki ang pagkakaiba-iba sa ekonomiks, etnisidad, at relihiyon nito. Maraming elementong laban sa imperyo ang naglunsad ng pag-aalsa at mga tangkang asasinasyon; na siya namang mahigpit na minatyagan ng lihim na pulisya, libu-libo sa mga ito ang pinatapon sa Siberia.

Lubhang pangkanayunan ang ekonomiya ng imperyo at mababa ang produksiyon sa mga malalawak na lupaing sinasaka ng mga alipin, sila'y napalaya noong 1861. Sa tulong ng dayuhang pamumuhunan sa daang-bakalan at mga pabrika, dahan-dahang naging industriyalisado ang ekonomiya. Ang mga lupain ay hawak ng mga nobleng Boyar mula ika-10 hanggang ika-17 siglo, at mula noo'y ng isang emperador na tinatawag na "Tsar".

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Sovereign Emperor exercises legislative power in conjunction with the State Council and State Duma". Fundamental laws, art. 7
  2. . Swain says, "The first government to be formed after the February Revolution of 1917 had, with one exception, been composed of liberals." Geoffrey Swain (2014). Trotsky and the Russian Revolution. Routledge. p. 15.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link); tignan din Alexander Rabinowitch (2008). The Bolsheviks in Power: The First Year of Soviet Rule in Petrograd. Indiana UP. p. 1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  3. In pictures: Russian Empire in colour photos, BBC News Magazine, Marso 2012. (sa Ingles)