San Petersburgo
Ang San Petersburgo, dating kilala bilang Petrogrado (1914–1924) at sa kalaunan ay Leningrado (1924–1991), ay ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Rusya. Matatagpuan ito sa Neva River, sa ulo ng Gulpo ng Finland sa Baltic Sea.
San Petersburgo Санкт-Петербург | |||
---|---|---|---|
Mga pederal na lungsod ng Rusya, big city, dating kabisera, gorod, Mga kasakupang pederal ng Rusya, million city | |||
| |||
Palayaw: Питер, Piter | |||
Mga koordinado: 59°57′N 30°19′E / 59.95°N 30.32°E | |||
Bansa | Rusya | ||
Lokasyon | Rusya | ||
Itinatag | 27 Mayo 1703 | ||
Ipinangalan kay (sa) | San Pedro | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• Governor of Saint Petersburg | Alexander Beglov | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 1,439 km2 (556 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2024) | |||
• Kabuuan | 5,597,763 | ||
• Kapal | 3,900/km2 (10,000/milya kuwadrado) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | RU-SPE | ||
Wika | Wikang Ruso | ||
Plaka ng sasakyan | 78 | ||
Websayt | http://gov.spb.ru |
Kasaysayan
baguhinItinatag ito ni Dakilang Pëtr noong 1703 bilang "bintana sa Europa" at nagsilbi ito mula noon bilang kabisera ng Rusya noong panahong imperyal nito hanggang 1918. Sa taglay nitong populasyon ng 4.7 milyon (2002), ito ngayon ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Rusya, ang ikaapat na pinakamalaki sa Europa, at isang pangunahing sentrong pangkulturang Europeo at ang pinakamahalagang seaport ng Rusya sa Dagat Baltic.
Ang Sankt-Peterburg ang pinakahilagang lungsod sa daigdig na may populasyong humihigit isang milyon. Bilang kapital pampolitika at pangkultura ng Rusya nang higit 300 taon at dahil sa pagpapanatili nito mula noon ng kanyang kaluwalhatian at karingalan, madalas itong tinatawag na “Hilagang Kapital” at idineklarang isang World Heritage Site ng UNESCO.
Ang Sankt-Peterburg ang sentrong pang-administrasyon ng Leningradskaja oblast’ (na hiwalay sa lungsod) at ng Severo-Zapadnyj federal’nyj okrug.
Panlabas na kawing
baguhin- Opisyal na website ng Sankt-Peterburg
- St-Petersburg.net, gabay panlungsod sa hotels, tours, at restorants sa Sankt-Peterburg
- Wandering Camera: Notes about Saint Petersburg and Its Suburbs, daan-daang mga retrato ni Pëtr Sobolev
- Nevskij prospekt (Abenida Nevskij) Naka-arkibo 2016-01-10 sa Wayback Machine., mabilang na mga pahina tungkol sa arkitektura at kasaysayan ng Sankt-Peterburg na may daan-daang imahen
- www.leninburg.com, photo-site tungkol sa buhay sa Sankt-Peterburg
- Gosudarstvennyj Èrmitaž, ang tanyag na State Hermitage Museum
- Mga mapa ng Sankt-Peterburg
- The St. Petersburg Times Naka-arkibo 2015-03-21 sa Wayback Machine., ang pahayagang Inggles ng Sankt-Peterburg
- NGOs sa Sankt-Peterburg Naka-arkibo 2005-07-14 sa Wayback Machine.
- St. Petersburg in Architecture Naka-arkibo 2005-07-14 sa Wayback Machine., mula sa University of Michigan
- Retratong satelayt, viā Google Maps